Isabel Lopez takot mawalan ng lisensya, parang maamong tupang humarap sa LTO | Bandera

Isabel Lopez takot mawalan ng lisensya, parang maamong tupang humarap sa LTO

Cristy Fermin - November 18, 2017 - 12:10 AM

KUNG dati’y akala mo nasa top of the world ang pasaway na si Maria Isabel Lopez dahil sa pagtatanggal niya ng mga harang makapasok lang sa ASEAN lane, ngayon ay ibang-iba na ang kanyang dating, para siyang maamong tupa habang kinakausap ang mga tagapamuno ng MMDA at LTO.

May nakatago rin naman palang takot sa dibdib si Maribel, takot na takot din pala siyang mawalan ng driver’s license, ayaw naman pala niyang maparusahan nang dahil sa kapasawayang ginawa niya.

Ang dami-dami pa namang kasong kinakaharap ngayon ng babeng may titulo sa ulo na nagmagaling na kaya niyang pasukin ang linyang ipinagbabawal sa mga motorista.

Kinontra na nga niya ang pinaiiral na security protocol nu’ng kasagsagan ng ASEAN Summit ay hindi pa siya nagkasya sa basta ganu’n lang, ipinost pa niya ‘yun sa social media, na para bang hinahamon pa niya ang mga tagapamuno ng mga ahensiyang nangangalaga sa daloy ng mga kalye.

Kung gaano siya kaangas nu’n sa kanyang video ay naghahanap na siya ng mga kadamay ngayon, hindi raw naman siya ang nagpasimuno, may mga mas nauna raw sa kanya at nakisabay lang siya sa agos.

Naku, makuha kaya sa mga ganu’ng drama ni Maria Isabel Lopez ang mga magdedesisyon kung kukumpiskahin na nang tuluyan ang kanyang lisensiya, makalusot kaya siya sa pagiging pasaway na ipinagbanduhan pa niya sa buong mundo?

Abangan!!!!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending