Bagon ng MRT kumalas | Bandera

Bagon ng MRT kumalas

Leifbilly Begas - November 16, 2017 - 03:37 PM

 Kumalas ang isang bagon ng tren ng MRT habang nasa gitna ng biyahe sa Makati City.     Pinababa naman ang mahigit sa 100 pasahero ng naiwang bagon at naglakad pabalik sa istasyon.     Ayon sa mga pasahero, binabagtas ng tren ang pagitan ng Ayala at Buendia station ng biglang kumalas ang huling bagon ng tren habang nagtuloy ang dalawang unang bagon nito.     Dahil dito ay kinansela ang operasyon ng MRT mula Shaw Boulevard hanggang sa Taft Avenue station kaya napilitang bumaba ng istasyon ang mga pasahero at naghanap ng ibang masasakyan.     Tuloy naman ang biyahe mula North Avenue hanggang Shaw Boulevard station alas-9:03 ng umaga.       Nagbalik naman sa normal ang operasyon ng MRT alas-9:30 ng umaga.       Bago ito, nagkaroon ng technical problem ang isang tren sa Quezon Avenue station alas-8:57 ng umaga kaya pinababa ang mga pasahero roon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending