Kontrobersyal na female celebrity ‘take home queen’ walang patawad sa lafang
MULING nabuhay ang mga kuwento tungkol sa isang female personality na napakaraming anekdota sa buhay dahil sa napapanahon niyang pagpapapansin.
Ang dami-dami palang kuwento tungkol sa kanya na hinding-hindi makakalimutan ng mga nakatrabaho niya sa iba-ibang istasyon. At puro pagkain ang sangkot sa mga istoryang ‘yun.
Kuwento ng isang source, “Alam mo ba na ang babaeng ‘yun, e, walang pinipiling panahon sa pangmamating niya ng mga pagkain? Kesehodang naka-gown pa siya, wala siyang pakialam!
“Kapag nagpupunta siya sa mga party, e, kumpleto siya sa armas, meron siyang maliit na bag na lalagyan ng mga plastic na pinaglalagyan niya ng masasarap na food sa buffet table.
“Nakakahiya siya! May korona pa namang nakaputong sa ulo niya, pero getlak siya nang getlak ng food para maiuwi niya sa bahay,” napapailing na kuwento ng aming impormante.
Siya rin ang female personality na kinaiinisan ng mga tindera, kapag nag-iikot kasi siya sa mga tiyangge, ang mga nagtitinda ng mga kakanin ang una niyang pinupuntahan.
“Nakow, mismo! Hindi ba, siya ang personality na hanggang maaari, e, ayaw na ayaw palapitin ng mga tindera sa mga paninda nila?
“Kasi nga, wala na siyang ginawa kundi ang tumikim nang tumikim, samantalang hindi naman siya bumibili ng kahit isang hiwa lang!
“Basta, tikim lang siya nang tikim ng mga kakanin, dumidighay siya sa kabusugan, ikaw ba naman ang tumikim nang tumikim ng mga kakanin na mabigat sa katawan, hindi ka ba naman hahagok sa kabusugan? Nakakaloka ang babaeng ‘yun! Hanggang makakalibre siya, e, gagawin niya talaga ang lahat!
“Ang nakapagtataka, e, kumikita naman siya, marami naman siyang ginagawang projects, busy naman siya sa pag-arte, di ba? Pero bakit getlak siya nang getlak ng maiuuwing food?
“Hindi kaya sobrang busog siya nu’ng masangkot siya sa isang pasaway na kalokahan? Kagagaling lang kaya niya nu’n sa isang tiyangge, kaya ikinakatwiran niya ang katsipan niyang call of human nature?
“Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, tampal-tampalin n’yo nga ang babaeng pasaway na ‘yan para matuto siyang rumespeto sa batas?” naiinis na pagtatapos ng aming source.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.