2 pulis dinukot ng NPA sa Surigao del Norte | Bandera

2 pulis dinukot ng NPA sa Surigao del Norte

John Roson - November 14, 2017 - 02:53 PM

Dinukot ng mga hinihinalang kasapi ng New People’s Army ang dalawang pulis mula sa police box sa Placer, Surigao del Norte, Lunes ng hapon, ayon sa mga otoridad.

Sinunggaban sina PO2 Alfredo Degamon Jr. at PO2 John Paul Doverte, kapwa beat patroller ng Placer Police, dakong ala-1:40, sa kanilang outpost na nasa bahagi ng National Highway sa Brgy. Bad-as, ayon sa ulat ng Caraga regional police.

“While on duty, naabduct po sila sa police box… may police box po dun sa junction kasi may market, mga terminal ng jeepney at bus,” sabi sa Bandera ni SPO1 Zena Panaligan, duty officer sa public information office ng regional police, Lunes ng gabi.

Puwersahang isinakay ng mga armado sina Degamon at Doverte sa isa sa dalawang van na kanilang ginamit, aniya.

Pinaniniwalaang dinala sina Degamon at Doverte sa bulubunduking bahagi ng Brgy. Mabini, doon din sa Placer, kung saan natagpuan ng mga tumugis na sundalo’t pulis ang mga van na inabandona, ani Panaligan.

“Undetermined pa kung ilan kumuha sa kanila, mga nakasakay po kasi sa van, mga armado,” aniya pa.

Tinatayang 20 rebelde ang dumukot sa dalawang pulis, sabi naman ni Maj. Ezra Balagtey, tagapagsalita ng Armed Forces Eastern Mindanao Command.

Nagpakalat ng tauhan ang Army 30th Infantry Battalion at Surigao del Norte Provincial Public Safety Company para tugisin ang mga rebelde.

Inalerto ang lahat ng police station sa Caraga matapos ang insidente, at pinalakas ang pagkalap ng intelligence operation para ma-monitor ang mga galaw ng NPA.

Pinakilos na rin ang isang crisis management task group, na pinamumunuan ng local government officials ng Placer, para tumulong sa pagresolba sa sitwasyon, ani Panaligan.

Inalerto rin ang pulisya sa katabing rehiyon ng Northern Mindanao dahil sa insidente, sabi ni Supt. Lemuel Gonda, regional police spokesman.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending