MMDA: Isabel Lopez inilagay sa alanganin ang seguridad ng mga motorista sa EDSA | Bandera

MMDA: Isabel Lopez inilagay sa alanganin ang seguridad ng mga motorista sa EDSA

Jobert Sucaldito - November 14, 2017 - 12:10 AM

MA. ISABEL LOPEZ

NAG-FILE na kahapon ng pormal na reklamo ang MMDA at LTO para sa revocation o tuluyang pagkansela ng driver’s license ng beauty queen turned actress na si Maria Isabel Lopez dahil sa nagawa nitong violation sa courtesy lane para sa ASEAN Summit dignitaries.

Dala ng pagkabuwisit siguro sa matinding traffic last Saturday, inalis ni Isabel ang ilang orange cones/barriers sa EDSA at lumusot doon na sinundan naman ng ilan pang motorista. Kinunan pa niya ito ng video at ipinost sa kanyang social media account kaya samu’t saring pagpuna ang napala niya.

Ang dating sa mga tao ay parang ipinagmalaki pa ng ating beauty queen na astig siya at nagawa niya ang bagay na hindi naman talaga dapat. It was some sort of obstruction actually dahil, being the host ng ASEAN Summit, we have dignitaries like heads of states na bisita ngayon at kailangang maprotektahan sila habang nandito sa Pilipinas. The streets must be available for them dahil scheduled ang kanilang mga commitments.

Sabi naman ni MMDA spokesperson Celine Pialago, inilagay daw ni Isabel sa alanganin ang seguridad at kapakanan ng ibang motorista sa ginawa niya at maaari pa siyang mapagkamalang threat sa seguridad.

Maria Isabel is a dear friend of mine pero hindi rin ako sang-ayon sa ginawa niya. For whatever reasons she may had, it was still wrong.

Sana ay hindi na ito maulit pa, even as a joke. Nakakatawa actually. Pag nagkita kami ni Maria Isabel, kakantiyawan ko talaga siya. Siga talaga, di ba? Ha! Ha! Ha!

q q q

Last Saturday was, I guess, the worst in terms of traffic sa Metro Manila na naranasan ko. Hindi ko ma-imagine kung bakit sobrang lala ang traffic na iyon sa Quezon City area. Sanay na akong matrapik ang Makati pero sa bandang Q.C. ay first time kong na-experience ang ganu’n kalalang traffic.

Imagine, I left my house near Kamuning papuntang SM North at 2:15 p.m. dahil magdya-judge ako sa Top Models ng JAMS Productions sa SM Skydome. Kulang pa naman ako sa tulog that time kaya may hilo factor pa ako.

Naloka lang ako dahil I reached SM Skydome at 4:15 p.m., two hours ako sa EDSA na kung tutuusin ay ilang tumbling lang from Kamuning. Whew! Horrible indeed!

Anyway, habang nakaupo kami ni kafatid na Joel Cruz ng Aficionado Germany Perfume na kasama kong judge, medyo nahilo lalo ako nang tamaan ng moving heads (mga ilaw) ang mata ko in front of the stage area. Kaya kaysa mahimatay ako sa mainit na Skydome na iyan, binulungan ko si kaibigang Joel na kunyari magsi-CR ako pero tatakas na lang ako.

Agree naman siya, siya na lang daw ang magpapaliwanag sa organizers kung bakit ako umalis. Ha! Ha! Ha! Kasi naman, two categories ang idya-judge namin, yung 7-14 years old ay may 80 contestants at yung 15-25 years old naman ay 100 candidates yata. Baka bago mangalahati ay hinimatay na ako sa Skydome kaya might as well leave na lang.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sayang lang kasi ang huhusay ng mga kabataang models. Nakakaaliw sila. Ang cute nilang pumorma sa stage. Sooo cute.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending