Sa ika-12 sunod na araw, nagkaaberya ngayong araw ang tren ng Metro Rail Transit Line 3 . Nasira ang tren alas-11:37 ng umaga sa Boni Avenue station north bound. Pinababa ang mga pasahero. Noong Sabado, nasira ang tren ng MRT alas-11:10 ng umaga. Pinababa ang mga pasahero noong Ayala station south bound. Noong Biyernes ay limang beses nasiraan ang MRT. Ayon kay Quezon City Rep. Alfred Vargas dapat ay pag-ibayuhin ng gobyerno ang serbisyo ng Point to Point Bus system para magkaroon ng alternatibong masasakyan ang mga pasahero ngayong madalas pa ang pagkasira ng tren. “Amid glitches, MRT patrons opt to ride trains because it is still the faster and more reliable means of transportation, especially if going to work,” ani Vargas. Hindi katulad ng mga pampasaherong bus, ang P2P ay hihinto lamang sa mga piling lugar. Simula noong Noyembre 10 ay 30 air-conditioned P2P bus ang ipakakalat sa mga istasyon ng MRT para makasakay ang mga pasahero. Ang pamasahe ay pareho lang sa MRT. Ang pa-south bound ay hihinto lamang sa Ortigas at Ayala at ang pa-north bound ay sa North Ave., station lamang.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.