Mga Pinoy natuwa sa ginawa ng gobyerno sa Marawi-SWS | Bandera

Mga Pinoy natuwa sa ginawa ng gobyerno sa Marawi-SWS

Leifbilly Begas - November 12, 2017 - 03:32 PM

 Nawasak man ang Marawi City, natutuwa ang mga Filipino sa naging aksyon ng gobyerno laban sa Maute group, ayon sa survey ng Social Weather Stations (SWS) noong Setyembre.     Sa tanong kung “Gaano po kayo nasisiyahan o hindi nasisiyahan sa ikinikilos ng ating gobyerno ukol sa kanilang ginagawa upang masugpo ang grupong Maute na lumusob sa Marawi City?” sinabi ng 66 porsyento na sila ay nasisiyahan.     Mas mababa ito sa 67 porsyento na naitala sa survey noong Hunyo.     Samantala, sinabi naman 18 porsyento na hindi sila nasisiyahan. Ang 16 porsyento naman ay undecided.     Naniniwala naman ang 54 porsyento na kayang puksain ng Armed Forces ang teroristang grupo sa Marawi kahit na hindi nagdeklara ng Martial Law si Pangulong Duterte sa Mindanao. Ang hindi sang-ayon sa pahayag na ito ay 25 porsyento at ang undecided ay 22 porsyento.     Sa tanong kung naniniwala o hindi na ang mga teroristang sumalakay sa Maute ay tumatanggap ng drug money, sinabi ng 60 porsyento na sila ay naniniwala at 11 porsyento ang hindi. Ang undecided ay 29 porsyento.     Ang survey ay ginawa mula Setyembre 23-27 at kinuha ang opinyon ng 1,500 respondents.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending