Agawan sa huling UAAP Final Four spot iinit ngayon | Bandera

Agawan sa huling UAAP Final Four spot iinit ngayon

Angelito Oredo - November 11, 2017 - 12:04 AM


Mga Laro Ngayon
(Smart Araneta Coliseum)
2 p.m. NU vs UP
4 p.m. Adamson vs FEU
Team Standings: *Ateneo (13-0); *La Salle (11-2); *Adamson (9-4); FEU (6-7); UP (5-8); NU (5-8); UE (3-10); UST (0-13)
* – semifinalist

TATLONG koponan na kinabibilangan ng National University, University of the Philippines at Far Eastern University ang magtatangkang mahablot ang importanteng panalo upang masungkit ang pinag-aagawang ikaapat at huling silya sa Final Four sa UAAP Season 80 men’s basketball ngayon sa Smart Araneta Coliseum.

Maghihiwalay ng landas ang kapwa nasa ikalimang puwesto na bitbit ang 5-8 kartada na NU Bulldogs at UP Fighting Maroons ganap na alas-2 ng hapon bago sundan ng kapwa importanteng laban sa pagitan ng sigurado na sa semifinals na Adamson University Soaring Falcons at ang pilit kakapit sa ikaapat na puwesto na FEU Tamaraws sa alas-4 ng hapon.

Importante para sa NU at UP na makamit ang ikaanim na panalo upang umasa na makapuwersa ng playoff para sa ikaapat na silya bagaman kinakailangan nitong maghintay sa magiging resulta ng laban ng FEU at Adamson.

Tuluyang lalaho ang pag-asa sinuman ang manalo sa pagitan ng NU at UP kung magwawagi sa ikalawang laro ang FEU dahil makakamit nito ang ikapitong panalo at huling silya sa Final Four.

Sigurado na naman sa semifinals ang Adamson para sa ikatlong puwesto sa bitbit na 9-4 kartada.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending