Mommy Guwapa mas gustong nakasara na lang ang kabaong ni Isabel, pero... | Bandera

Mommy Guwapa mas gustong nakasara na lang ang kabaong ni Isabel, pero…

Cristy Fermin - November 11, 2017 - 12:05 AM

BUKOD  sa bagyo ay sobrang naging makulimlim ang kapaligiran nu’ng Huwebes nang pasado alas nuwebe nang tanghali nang dumating na ang mga labi ni Isabel Granada mula sa Doha, Qatar.

Maraming kinilabutan sa ibinigay na full military honors ng Philippine Air Force sa pumanaw na singer-actress, mula sa PSI cargo ay sinundo siya ng kanyang mga kagrupo, sinaluduhan at saka pa lamang inilulan ang kanyang bangkay sa sumundong punerarya.

Hanggang sa huling gabi ng lamay ay hindi iiwan ng mga taga-PAF ang mga labi ng aktres, hanggang sa cremation sa Linggo nang umaga ay may nakadestinong magbantay sa kanya, sarhento ang ranggo ni Isabel Granda sa PAF.

Kung si Mommy Guwapa ang masusunod ay gusto sana nitong closed casket ang bangkay ng kanyang anak, pero may mga nagpayo sa kanya na ibukas na nila ang kabaong, dahil maraming kababayan natin ang may gustong makakita kay Issa sa pinakahuling pagkakataon.

Hindi pala alam ng kanyang anak na si Hubert na miyembro ng Philippine Air Force ang kanyang ina.

Marami raw kasing hindi naikuwento sa kanya si Issa dahil magkalayo sila.

Matindi ang pagsisisi ng binata sa mga napalampas nitong panahon ng hindi pakikipagkomunikasyon sa kanyang ina.

Nakalagak ang mga labi ngayon ni Isabel Granada sa Sanctuario de San Jose sa East Greenhills. Mula alas-diyes nang tanghali hanggang alas-singko nang hapon ang public viewing.

Bukas nang umaga ay ililipat na ang kanyang mga labi sa Arlington Chapels para sa isang pinakahuling misa bago ang kanyang cremation nang alas-dos nang hapon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending