Nyoy Volante muling napasabak sa iyakan, drama pa more sa MMK
PATUTUNAYAN ng isang guro na walang imposible sa buhay kung paiiralin ang pagmamahal sa kapwa at matinding pananampalataya sa Diyos.
Tunghayan si Nyoy Volante ngayong Sabado sa Maalaala Mo Kaya bilang isang gurong ginamit ang musika upang itaguyod ang pamilya at makapagbigay-tulong sa kanyang komunidad.
Simula pagkabata, hilig na ni Joel (Nyoy) ang musika. Dahil na rin sa kanyang amang haranista, nagpatuloy ang pagmamahal ni Joel sa musika hanggang siya ay umabot sa kolehiyo.
Pansamantalang natigil ang pangarap ni Joel na maging isang mang-aawit para pagtuunan ng pansin ang kanyang pag-aaral para maging guro.
Lilipas ang panahon at isa na siyang ganap na guro. Gagamitin niya ang kaalaman para magturo sa mga katutubo sa bundok na salat na salat sa maayos na kagamitan o pasilidad pang-eskwela.
Gamit ang musika, paano niya kaya magagawang baguhin ang kalagayan ng mga batang estudyang tinuturuan niya? Ano ang mga hamon na kanyang kakaharapin?
Makakasama ni Nyoy sa MMK episode na ito sina Antoinette Taus as Faith, Marlo Mortel bilang binatang Joel, Marc Santiago as batang Joel, Louise Abuel bilang Gospel, Boboy Garovillo as Tuting at Suzette Ranillo bilang Benita.
Ito’y sa direksyon ni Dado Lumibao at sa panulat nina Mae Rose Balanay at Arah Jell Badayos.
Ngayong Sabado ng gabi na ‘yan sa longest-running drama anthology sa Asia, ang MMK ng ABS-CBN.
Ang MMK ay pinamumunuan ng Business Unit Head na si Roda dela Cerna at Star Creatives COO Malou Santos.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.