Burol ni Isabel bubuksan na sa publiko, pero may pakiusap ang pamilya Granada | Bandera

Burol ni Isabel bubuksan na sa publiko, pero may pakiusap ang pamilya Granada

Cristy Fermin - November 10, 2017 - 12:05 AM

ISABEL GRANADA

NGAYONG Biyernes nang umaga hanggang alas singko nang hapon ay maaari nang masilip ng ating mga kababayan ang mga labi ng yumaong magandang aktres na si Isabel Granada.

Pakiusap lang ng pamilya ng namayapang aktres na sana’y mabigyan sila ng pagkakataong makasama ang bangkay ni Isabel nang sila-sila lang sa gabi. Hanggang alas dose nang hatinggabi lang ang kanilang pakiusap sa mga nais sumilip sa huling pagkakataon sa bangkay ng aktres.

Nakalagak ang kanyang bangkay ngayon sa Sanctuario de San Jose sa Greenhills, hanggang sa Sabado nang gabi ang lamay (bukas), dahil sa Linggo nang umaga ay ililipat na ang kanyang mga labi sa Arlington Chapels para sa kanyang cremation nang makapananghali.

Bilang miyembro ng Philippine Air Force ay hinandugan si Isabel Granada ng pagpupugay ng kanyang mga kasamahan. Bukod sa pagiging lisensiyadong piloto ay sarhento rin siya ng PAF, AirWoman 2nd class si Isabel.

Nagkaroon ng vigil ang PAF sa kanyang lamay, sinalubong at ihahatid siya ng kanyang mga kasamahan hanggang sa huling hantungan, nakakapangilabot ang ibinigay na pagpapahalaga ng grupo para sa yumaong magiting nilang kasamahan.

At sa isang panahong halos wala sa sarili si Mommy Guwapa sa napakasakit na pangyayaring ito ay may mga kaibigan ang kanyang anak na nag-asikaso sa mga pangangailangan sa burol ng aktres.

Kapuri-puri sina Nadia Montenegro, Bianca Lapus at Chuckie Dreyfus sa sinserong pagtulong sa pamilya ni Isabel Granada.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending