Joey de Leon sa mga bashers: Ang mahalaga wala akong depression! | Bandera

Joey de Leon sa mga bashers: Ang mahalaga wala akong depression!

Ervin Santiago - November 09, 2017 - 12:10 AM


“ANG importante, wala akong depression!” Ito ang tugon ng Pambansang Henyo na si Joey de Leon nang kumustahin ng entertainment media sa presscon ng pelikulang “Barbi D Wonder Beki” na pinagbibidahan ni Paolo Ballesteros.

Mukhang nalampasan na nga ng TV host-comedian ang kontrobersiyang kinasangkutan niya isang buwan na ang nakararaan dahil sa naging opinyon niya tungkol sa depression.

Nasabi kasi ni Joey sa isang episode ng Eat Bulaga na gawa-gawa lang ng mga tao ang depression na umani ng iba’t ibang komento mula sa netizens at maging sa mga celebrities.

“Totoo, sinabi ko talaga yun na, yung iba naman, loosely, ginagamit yung word na ‘yan. Nakipag-break lang sa boyfriend, ‘A, depressed ako.’ Yun ang ibig kong sabihin noon, e, na-hurt yung iba, nag-sorry naman ako. Kaya sabi, kung may buti na idudulot yung kamalian ko, e, di yun na ‘yon,” ani Joey.

Hiningan din siya ng reaksyon sa naging komento ng anak nina Christopher de Leon at Sandy Andolong na si Bb. Pilipinas-International 2017 Mariel de Leon laban sa kanya. Anito, “Depression isn’t a joke. Same last name, but thank God, we’re not related. Ew. Shame on him and people who think like him.”

“Yung anak ni Boyet? Hindi ko narinig yun. Basta ako, lahat ng nagalit sa akin, e, tinanggap ko lahat sila. E, mismo nga sa bahay namin, pinagalitan ako ng wife ko, saka ng mga anak ko. Sabi nila, ‘May mga kamag-anak tayo na may ganyan.’

“E, hindi ko alam na sakit ‘yan. Ang alam ko lang, loosely nga, kung gamitin ‘yan ng iba, ‘Ohh, I’m depressed!’” chika pa ng TV host.

Sey pa ni Joey, unang-una siyang nag-sorry kay Maine Mendoza na agad kumontra sa kanyang naging naging statement about depression, “Una akong nag-sorry kay Maine dahil may mga kasama ako doon na siguro, may ganoon. So, hindi ko alam, nag-sorry ako.”

Sa totoo lang daw, hindi pa niya nararanasan ang ma-depress, “Hindi! Hindi ko nga maintindihan. Problema mo lahat, e, buntot mo, dala mo, kapag nalulungkot ka. Hindi ko alam na hindi siya normal sadness.

“Sabi ko, I’m sorry. Immediately, the next day, nag-sorry ako. Ganoon talaga, hindi ko alam. So ngayon, alam ko na, so I’m sorry,” sey pa ng komedyante.

Samantala, ipinasa na ni Joey de Leon kay Paolo Ballesteros ang kanyang iconic movie role na Barbi sa latest offering ng OctoArts, M-Zet at T-Rex Entertainment, ang Barbie D Wonder Beki” directed by Tony Y. Reyes.

Malaki ang magiging bahagi ng Eat Bulaga host sa pelikula dahil siya raw ang magta-transform kay Paolo bilang bagong Barbi. Sa katunayan, marami raw naibahagi si Joey sa mga highlights ng pelikula kaya naman very thankful ang Make-Up Transformation King & Queen.

Pero paglilinaw ni Paolo, “Hindi naman talaga ipinamana sa akin, hindi ibinigay. I just borrowed it.

Buti nga pinahiram ni Tito Joey. Nakakatuwa lang dahil ipinagkatiwala nila sa akin ang iconic gay character na ito na minahal na ng mga Pilipino. Ibang atake naman ito ngayon sa bagong Barbi, kumbaga may millennial touch na siya.”

Magsisilbi ring regalo nina Paolo at Joey ang kanilang pelikula sa LGBT community dahil siguradong mas tataas pa ang respeto ng mga tao sa mga beki kapag napanood nila ang pelikula. Nakakatawa man at nakakaloka ang mga pinaggagawa ni Paolo sa movie, tiyak namang maraming aral ang maibabahagi nito sa manonood, hindi lang sa mga beki at tibo kundi pati na rin sa mga straight guys and girls.

Makakasama rin sa pelikula ang Kapuso loveteam na sina Miguel Tanfelix at Bianca Umali, Joey Marquez, Smokey Manaloto, Benjie Paras, Epi Quizon, Ruby Rodriguez, Ejay Falcon, Kim Domingo at marami pang iba.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Mapapanood na ang “Barbi D Wonder Beki” simula sa Nov. 29 sa mga sinehan nationwide directed by Tony Reyes.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending