Enzo-Sofia may magic sa Pusong Ligaw, bagay maging magdyowa | Bandera

Enzo-Sofia may magic sa Pusong Ligaw, bagay maging magdyowa

Ervin Santiago - November 07, 2017 - 12:01 AM

IN fairness, marami ring pinanakilig ang tambalan nina Enzo Pineda at Sofia Andres sa afternoon series ng ABS-CBN na Pusong Ligaw. Sa tumatakbong kuwento ng serye, ang mga karakter nilang sina Vida at Rafa ang palaging magkasama.

Muling nagkrus ang landas ng dalawa makalipas ang ilang taon. May kanya-kanya na silang buhay ngayon ngunit nananatili pa rin ang kanilang pagiging espesyal na magkaibigan. Sa huling mga nakaraang episode ng Pusong Ligaw, maraming viewers ang nagsasabi na bagay na bagay din sina Enzo at Sofia.

Sabi nga ng isang nakausap naming adik na adik sa Pusong Ligaw, “Napakalaki na ng improvement sa acting ni Enzo, at talagang nagkaroon na siya ng star quality. Pwede mo na siyang ilaban ang sabayan sa magagaling na young actor sa ABS.”

Papuri pa ng isang viewer, “Bagay sina Sofia at Diego (Loyzaga) pero mas bet ko si Rafa para kay Vida. Mas kinikilig ako sa kanila, lalo na kapag nagtititigan na sila. May something pag si Enzo na ang nakikipag-flirt kay Sofia! Ha-hahaha!”

Bukod dito, kailangang abangan din ng manonood kung paano ile-level up nina Bianca King at Beauty Gonzales ang kanilang mga confrontation scenes, lalo na kapag nasagad na ang galit, inggit at selos ni Marga (Bianca) kay Tessa (Beauty). Idagdag pa ang mga susunod na eksena ni Jaime (Raymond Bagatsing) na itotodo na rin ang paghihiganti laban kina Tessa at Caloy (Joem Bascon).

Napapanood pa rin ang Pusong Ligaw sa Kapamilya Gold after Showtime.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending