Ateneo Blue Eagles umangat sa 12-0 karta | Bandera

Ateneo Blue Eagles umangat sa 12-0 karta

Angelito Oredo - November 05, 2017 - 12:06 AM


Mga Laro Ngayon
(Araneta Coliseum)
2 p.m. UE vs FEU
4 p.m. UP vs Adamson
Team Standings: *Ateneo (12-0); *La Salle (11-2); Adamson (8-4); FEU (5-6); UP (5-6); NU (4-8); UE (3-9); UST (0-13)
* – semifinalist

LUMAPIT ang Ateneo de Manila University Blue Eagles sa dalawang panalo na lamang para agad na makatuntong sa Finals matapos nitong ibaon ang University of Santo Tomas Growling Tigers sa 0-13 baraha kahapon sa UAAP Season 80 men’s basketball tournament sa Smart Araneta Coliseum.

Nagwagi ang Blue Eagles laban sa Growling Tigers, 102-83.

Nagtulong sina Matt Nieto at Ferdinand ‘Thirdy’ Ravena III sa paghulog ng 12-2 bomba sa ikaapat na yugto para sa Blue Eagles upang mapigilan nito ang matinding paghahangad ng Growling Tigers na makapagtala ng pinakamalaking upset sa torneo.

Pinalobo ng Ateneo ang delikadong 75-70 abante sa pagsisimula ng ikaapat na yugto patungo sa 89-77 abante at hindi na nilingon pa ang UST tungo sa huling minuto para mangailangan na lamang na ipanalo ang huling dalawang laro nito tungo sa awtomatikong silya sa kampeonato.

Susunod na makakasagupa ng Ateneo ang mahilig magtala ng upset na University of the Philippines bago ang panghuli nitong pagsubok sa pagharap sa nagtatanggol na kampeong La Salle.

Inihulog ng Blue Eagles ang 8-2 bomba tampok ang maikukunsidera na pinakamatinding dunk ngayong taon na mula kay Ravena na nagsagawa ng tomahaiwk dunk mula halos sa free throw line galing sa pasa ni Chiz Ikeh sa huling 2:18 ng laro para sa 92-77 iskor.

Nalasap naman ng Tigers ang ika-13 nitong sunod ngayong season at ika-17 diretso sapul nakaraang taon.

Sa ikalawang laro, muling binigo ng nagtatanggol na kampeong De La Salle University Green Archers ang National University Bulldogs, 101-76, upang makasiguro ng twice-to-beat incentive sa Final Four.

Pero para magkaroon ng Final Four ang liga ay kailangan munang magtamo ng kabiguan ang Ateneo.

Nakatakdang magsagupa ang magkaribal na La Salle at Ateneo sa huling araw ng elims sa Nobyembre 12.

Lalo naman lumabo ang tsansa ng Bulldogs na makipag-agawan sa ikaapat at huling puwesto sa semifinals matapos na mahulog sa 4-8 kartada. Kailangan na walang makaabot sa pitong panalo sa pagitan ng Far Eastern University at UP na kapwa may 5-6 kartada upang umasa ito na makahatak ng isang playoff.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending