Utol ni friend gustong pormahan | Bandera

Utol ni friend gustong pormahan

Beth Viaje - November 03, 2017 - 02:21 PM

DEAR Ateng Beth,
Help naman po. Meron po akong gustong ligawan na kaibigan ko. Actually, matagal ko na siyang kaibigan, kababata ko po siya actually.
Lately ko lang po na-realized na more than friends na po pala ang nararamdaman ko para sa kanya.
Barkada ko ang kuya niya.
Pakiwari ko ay may gusto rin naman siya sa akin. Ang problema hindi ko po alam paano magsisimula. Baka maging awkward kami sa isa’t isa. Ano na lang din sasabihin ng kuya niya pag pinormahan ko yung utol niya.
Armand, Makati City

Hello sa iyo, Armand!
Hay naku, sa totoo lang, hindi ko rin alam kung paano ko sisimulan ang pagsagot sa tanong mo.
Lalong hindi ko alam kung anong game plan mo o anong diskarte ang gagawin mo? Hinahanapan mo ba ako ng diskaret? Susme! Hindi pa ako nakapanligaw ng friend, no?
Kidding aside, magkaibigan pala kayo, magkababata pa, ibig sabihin nun, matagal-tagal mo na siyang kilala at matagal ka na rin niyang kilala for sure. Alam na ninyo ang mga saltik ninyo.
Kaya alam mo na rin kung paano mo siya pasasayahin.
Tutal, pinalakas mo na rin naman ang loob mo na feeling mo ay may gusto rin siya sa ‘yo, so panindigan mo na yang pagiging feelingero mo. Itoloy na ang pagporma sa kaibigan mo. Malay mo totoo nga ang kutob mo.
Siyempre, magiging awkward sa simula, ganern talaga…pero pagkatapos nun ok na yan for sure.
O baka naman ikaw lang ang awkward? At any rate di mo malalaman kung di mo sisimulan.
Hindi ko rin alam kung anong magiging reaction ng kuya niya. Hindi ko siya kilala, ikaw ang may kaibigan sa kanya, kaya alam mo rin kung anong topak niya.
So diskartehan mo na yan. Hindi mo masasagot ang mga tanong mo kung wala kang gagawin. Kaya go lang!
Ateng Beth

May nais ka bang isangguni kay Ateng Beth? I-text sa 09156414963

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending