Boobs ni Sanya may sariling buhay; rarampa nang naka-underwear lang | Bandera

Boobs ni Sanya may sariling buhay; rarampa nang naka-underwear lang

Ervin Santiago - November 03, 2017 - 12:01 AM

SANYA LOPEZ

ISINUMPA man ang itsura niya sa afternoon series ng GMA 7 na Haplos, standout naman ang kaseksihan at kagandahan ng Kapuso actress na si Sanya Lopez nang rumampa kamakailan para sa isang underwear fashion show.

Ilang araw na ang nakalipas nang ibuyangyang ni Sanya ang kanyang katawan sa nasabing event, pero mainit pa ring pinag-uusapan sa social media ang sexy at hot na hot na look ng leading lady ni Rocco Nacino sa Haplos. Sabi pa nga ng ilang netizens, malusog pala ang boobs ni Sanya at parang may sariling buhay.

May pressure man daw na nararamdaman para sa pagrampa niya sa nasabing fashion event ay “more than happy” si Sanya na maging endorser ng nasabing brand at todo na rin daw ang ginagawa niyang paghahanda para sa muli niyang pagrampa nang naka-underwear lang.

Samantala, patuloy na tutukan ang painit na nang painit na Haplos sa Afternoon Prime ng Kapuso Network. Alamin kung paano malalabanan ni Angela (Sanya) ang itim na kapangyarihan ni Lucille (Thea Tolentino). Marami pang magaganap na kagulat-gulat na eksena sa Haplos kaya huwag na huwag kayong bibitiw sa nangungunang serye sa hapon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending