Magsasaka patay, 4 pa sugatan sa banggaan ng motorsiklo sa Pangasinan | Bandera

Magsasaka patay, 4 pa sugatan sa banggaan ng motorsiklo sa Pangasinan

- November 02, 2017 - 04:24 PM

PATAY ang isang magsasaka, samantalang sugatan naman ang kanyang misis at tatlong iba pa matapos mangbanggaan ang dalawang motorsiklo sa bayan ng Urbiztondo, Pangasinan noong Undas, ayon sa pulisya.
Nasawi si Francisco Ramos Jr., 49, habang ginagamot sa isang ospital sa San Carlos City. Sugatan naman ang misis ni Ramos na si Rowena Ramos, 45, na nakaangkas sa kanya.
Sugatan din si Gilbert Custodio, 34, at kanyang mga angkas na sina Samuel Aquino, 31 at Ronald Tubongbanwa, 37.

Sinabi ng mga pulis na nasa northbound lane si Ramos at kanyang misis sa Barangay Pasibi East nang bigla sumulpot ang motorsiklo ni Custodio at bumangga sa kanilang motorsiklo ganap na alas-3:20 ng hapon.
Dinala ang mga biktima sa iba’t ibang ospital sa San Carlos City at Dagupan City para magamot.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending