Jayjay Helterbrand inanunsyo ang pagreretiro
MATAPOS ang 17 season na paglalaro sa PBA, tuluyan nang nagretiro si Jayjay Helterbrand.
Inanunsyo ng Barangay Ginebra playmaker ang kanyang pagreretiro Lunes sa panayam ng CNN Philippines at tinapos na ang kanyang makulay na paglalaro para sa Gin Kings.
“This is one of the most special ones for me because it will probably be my last as a player,” sabi ni Helterbrand na nakasama rin ang kanyang backcourt partner na si Mark Caguioa na bumisita sa nasabing programa matapos ang back-to-back title conquest ng Barangay Ginebra sa 2017 PBA Governors’ Cup.
Kinumpirma naman ni Helterbrand ang kanyang pagreretiro sa INQUIRER.net.
Sumabak sa PBA bilang direct hire noong 2000, sumikat si Helterbrand matapos makatambal si Caguioa kung saan tinawag silang “The Fast and The Furious.”
Nanalo ng anim na titulo sa Ginebra si Helterbrand kung saan tinanghal din siya bilang Finals MVP. Pinarangalan din siyang 2009 PBA Most Valuable Player at naging two-time Best Player of the Conference.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.