Nadine kay James: Salamat at lagi siyang nandiyan para sa akin! | Bandera

Nadine kay James: Salamat at lagi siyang nandiyan para sa akin!

- October 31, 2017 - 12:01 AM

NASA proseso pa rin ng pagmu-move on si Nadine Lustre at ang kanyang pamilya matapos pumanaw ang kanyang nakababatang kapatid na si Ice.

Sa panayam ng ABS-CBN, sinabi ng dalaga na masakit pa rin para sa kanila ang mamatayan ng kapamilya, “Medyo nasa healing stage pa. Siyempre hindi naman po ganu’n kadaling mag-move on.”

Nagpasalamat ang dalaga sa kanyang boyfriend na si James Reid sa suportang ibinibigay nito sa kanya, “Nu’ng bago pa lang, ang hirap. ‘Yung emotions ko hindi ko ma-control and then siyempre ‘yung pag-iisip ko medyo magulo rin. Sobrang stressful. Happy ako na nandiyan siya, hindi siya napapagod na mag-support lang sa akin.”

Sa hiwalay ng panayam ng ABS-CBN, nangako si James na hinding-hindi siya magsasawang suportahan si Nadine, “She’s been doing good. It’s not easy what she’s going through so this kind of thing really just takes time and patience.”

Paano nabago ng pagkamatay ng kanyang kapatid ang relasyon ng kanyang pamilya, “Mas nagkikita po kami ngayon, bonding, nagce-celebrate ng mga birthdays.” Sa Japan magse-celebrate ng kanyang 24th birthday ang aktres kasama si James at ang kanyang pamilya.

Pahinga rin muna sa trabaho si Nadine, “Parang wag muna. Pero very thankful po ako kasi pumayag naman ang Showtime. Actually in-expect nila na hindi na ako magpapasikat pero sabi ko, the show must go on. Ayaw ko rin naman iwan sila Ate Anne. Gusto ko rin naman sumuporta so after ng Magpasikat Week, pumayag naman po sila.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending