UNDAS 2017: MGA ALAALA NI ‘LODI’ | Bandera

UNDAS 2017: MGA ALAALA NI ‘LODI’

Djan Magbanua, Ervin Santiago - October 31, 2017 - 12:01 AM

ARAW na ng mga patay bukas! Siguradong bisi-bisihan na ngayon ang ating mga Kapatid, Kapuso at Kapamilya para sa pag-alala sa mga kaanak at kaibigan nating mga pumanaw na.

Ngayon pa lang ay tiyak na punumpuno na ang mga sementeryo sa iba’t ibang panig ng Pilipinas ng mga taong dadalaw sa puntod ng kanilang mga yumao nang kamag-anak.

Bilang bahagi ng paggunita natin sa araw ng mga patay at kaluwawa, ating alalahanin ang ilan sa mga kilalang celebritries and showbiz personalities na sumakabilang buhay ngayong 2017 para maisama na rin sa ating mga panalangin.

ROGER “PEPSI” HERRERA, 56: Namatay noong Feb. 10. Nakilala sa mundo ng fashion dahil sa kanyang elegant gowns. Hindi inihayag ng kanyang pamilya ang tunay na dahilan ng kanyang pagpanaw.

HERMINIO “BUTCH” BAUTISTA, 82: Pumanaw noong Feb. 12 dahil sa sakit sa puso. Siya ang ama nina Herbert, Hero at Harlene Bautista na nakilala bilang aktor at direktor noong kanyang kapanahunan. Naging politiko rin siya pagkatapos mamahinga sa showbiz.

CORNELIA LEE, 70: Mas kilala siya bilang Tita Angge sa mundo ng showbiz. Pumanaw noong Marso 2 matapos ma-coma nang isang taon dahil sa atake sa puso. Bukod sa pagiging komedyana, naging talent manager din siya sa mga kilalang celebrities ngayon tulad nina Sylvia Sanchez, Mickey Ferriols, Timmy Cruz at Smokey Manaloto.

ROMEO VASQUEZ, 78: Sa Amerika siya namatay noong May 2. Nakilala siya bilang leading lady ni Star For All Seasons Vilma Santos at naikasal sa dati rin niyang screen partner na si Amalia Fuentes.

GIL PORTES, 71: Isa siya sa mga ipinagmamalaking director ng bansa dahil sa kanyang galing sa pagdidirek. Ilan sa mga obra niya ay ang mga award-winning films na “Saranggola” at “Mga Munting Tinig” habang ang huli niyang nagawang pelikula ay ang “Moonlight Over Baler.” Natagpuan na lang siya na wala nang buhay sa loob ng kanilang bahay noong May 24.

JAKE TORDESILLAS, 68: Kilalang magaling na scriptwriter, siya ang nasa likod ng mga pelikulang “Annie Batumbakal” ni Nora Aunor, “Tagos ng Dugo” ni Vilma Santos at “Bagets” ni Aga Muhlach. Sinasabing ang pagkahulog niya noon kung saan nabalian siya ng buto ang naging sanhi ng pagbaba ng kanyang kalusugan na naging dahilan ng kanyang pagkamatay noong June 30.

SOXIE TOPACIO, 65: Bago makilala bilang magaling na direktor at komedyante, nagsimula mu na siya bilang theater actor. Namatay siya noong July 21 dahil sa lung cancer.

ALFIE LORENZO, 78: Namaalam ang kilalang matapang at palabang entertainment columnist at talent manager noong Aug. 1. Atake sa puso rin ang kanyang ikinamatay. Ang mismong alaga niyang si Judy Ann Santos ang nag-asikaso sa kanyang burol at libing.

ZENNY ZABALA, 80: Nakilala siya bilang numero unong kontrabida noong kasagsagan ng Sampaguita Pictures. Namatay siya noong Agosto 8 sa National Kidney Institute sanhi ng kidney failure at iba pang kumplikasyon. Huli siyang napanood sa seryeng Be Careful With My Heart bilang isa sa mga aplikanteng yaya ng mga anak ni Richard Yap.

CHINGGOY ALONZO, 67: Nakilala noong dekada 60 bilang aktor sa teatro hanggang sa lumabas na rin siya sa iba’t ibang programa sa TV at pelikula. Huli siyang napanood sa seryeng Wildflower at sa pelikulang “Etiquette for Mistresses”. Namatay siya noong Oct. 15 dahil sa colon cancer.

EMANUEL “MANING” BORLAZA, 81: Sino ba ang makakalimot sa mga obra niyang “Bituing Walang Ningning” ni Sharon Cuneta at “Dyesebel” at “Darna” ni Vilma Santos? Inatake siya sa puso noong Okt. 12.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

TONY CALVENTO, 63: Multiple organ failure ang ikinamatay ng veteran print and broadcast journalist noong Oct. 9. Bukod sa magaling na manunulat, naging host din siya ng crime and investigative show na The Calvento Files sa ABS-CBN. Naging pelikula rin ito na pinagbidahan ni Claudine Barretto.

BALDO MARRO, 69: Nagsimula siya bilang action star sa pelikula bago naging director sa mga maaaksyong pelikula. Nakatrabaho niya noon sina Ramon Revilla Sr., Lito Lapid, Robin Padilla at Rudy Fernandez. Naging Best Actor siya sa Meto Manila Film Festival noong 1988 sa pelikulang “Patrolman.” Namatay siya noong Okt. 22 due to health complications.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending