Angelica, 2 kaibigan sumingit sa pila sa Immigration; pasahero napamura sa galit
AN obviously MIFFED guy, JC Valenzuela, posted on his social media account na sumingit ang grupo ni Angelica Panganiban sa immigration.
“You know why the Philippines is poor? It’s because local hairstylists like Jing Monis, Juan Sarte, and celebrity Angelica Panganiban cut the line in immigration. Good human behaviour is free. Assholes,” caption ni JC sa IG photo nina Angelica and company.
“I called them out. Then took a pic bec they wouldn’t leave. Kapal pa rin ng muka,” dagdag pa ni JC.
With that ay na-bash nang husto si Angelica sa isang popular website.
“Nakaaaaaaw!!! Tssssk dyan ako gigil na gigil simpleng pagpila hindi magawa. Respeto naman sa mga umalis ng maaga at naglaan ng oras talaga para makauna sa pila. Kahit sino ka pa matuto kang pumila.
Magbibigay daan lang ako sayo kung PWD at senior citizen ka. Pero kapag pina-patikim talaga mga ganyan. Iinit ulo Ko ngayon ha.”
“Malamang niyan yung airport staff din naman nagpasingit sa kanila. So di rin sa kanila full blame.”
“Kung ganoon ang nangyari, ibig sabihin kinausap nila ang airport staff na pasingitin sila so meron talagang planong sumingit.”
“Kaya hindi dapat sinasamba iyang mga celebrity na yan eh. Lakas makapa-ngawa pag may movie or show, pero ganyan din umasta. Be fair naman Angelica.”
Tiningnan namin ang Twitter account ni Angelica at wala pa siyang reaction sa mga pangyayari. Let’s just wait and see kung sasagutin ng aktres ang latest issue na ito sa kanya. Baka naman kasi merong matinding dahilan kung bakit nagawa nila iyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.