Pangarap maging teacher | Bandera

Pangarap maging teacher

Joseph Greenfield - October 24, 2017 - 12:15 AM

Sulat mula kay Pauline ng Muzon, San Jose Del Monte, Bulacan
Problema:
1. Ako po ay Senior High School sa ngayon at sa susunod na pasukan ay college na po ako. Ang pangarap ko po sanang kunin ay Education dahil maliit na bata pa lang po ako ay gusto ko ng maging teacher. Kaya lang po mahirap lang kami kaya sana ay makatapos ako ng pag-aaral. Naisipan kong sumangguni sa inyo upang itanong kung angkop po ba sa kapalaran ko ang kursong ito.
2. Ang problema ko pa po ay yon nga, mahirap lang kami kaya pag nagbakasyon balak ko maghanap ng trabaho. Kaya itatanong ko na rin po sana kung makapagta-trabaho ako balak ko sanang mag-working student. Matutupad kaya ang lahat ng pangarap kong ito? June 12, 2000 ang birthday ko.
Umaasa,
Pauline ng Bukidnon
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Gemini (Illustration 2.) ay nagsasabing, bagay na bagay nga sa iyo ang kursong may kaugnayan sa pagtuturo, dahil karamihan sa mga Gemini ay nagtatagumpay sa ganyang larangan. Ibig sabihin hindi ka nagkamali sa pangarap mong tinatahak, sapagkat balang araw sa pagtuturo o pagiging teacher magtatagumpay ka, uunlad at magiging maligaya.
Numerology:
Ang birth date mong 12 ay naglalarawan ng katalinuhan at pagiging masipag sa larangan ng career at propesyon. Ibig sabihin, kapag naka-enroll ka na sa pasukan at nakakuha ng kursong education, tulad ng naipaliwanag na, sa kursong nabanggit, tuloy-tuloy ka ng mananaig at magtatagumpay.
Graphology:
Upang matiyak ang isang matagumpay at maunlad na career, ngayon pa lang ayusin mo na ang iyong lagda. Sa halip, na sobrang liit, lakihan mo ang mga letra at salita. Sa ganyang lagda, malaki at nababasa ang mga letra at salita, anoman ang pangarapin mo sa buhay, magtatagumpay ka at magiging maligaya.
Huling payo at paalala:
Pauline kahit na ano pa ang gawin mo sa bakasyong darating mag-trabaho o magrelaks-relaks, wala naman itong kaugyanan sa tatahakin mong kapalaran, dahil nakahanda na ang lahat. Ayon sa iyong kapalaran, sa sandaling nakapag-aral ka ng college sa susunod na pasukan at sa sandaling naka-in ka na sa kursong education, tulad ng nasabi na, tuloy-tuloy ka ng makakatapos ng pag-aaral, makakapasa sa teacher’s board exam hanggang sa maging isang very successful at maligayang guro habang buhay.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending