Masaker matatabunan ng GMA poll bid | Bandera

Masaker matatabunan ng GMA poll bid

- December 01, 2009 - 09:21 AM

SA malamang matabunan ng mga reaksyon ngayong mismong si Pangulo Arroyo na ang nagsabi na tatakbo siya pagka-kongresista ng Pampanga ang dugong idinilig sa bundok sa Maguindanao ng mahigit 60 katao na pinatay sa isang iglap. “Yes, I will file my certificate of candidacy,” ani Arroyo. O hayan na nga. Tatakbo na siya pagkatapos ng maagang pangangampanya sa second district ng Pampanga, na idinahilan sa pabalik-balik na pagbisita sa ipinatayong mga poso, classroom, tulay, binuksang mga kalye, pati na ang pagbisita para alamin kung tumila na ang ulan at kung sinu-sino ang binaha paraa maabutan ng noodles. Sa dami ng puwedeng puna at pula sa pagtakbo ni Arroyo, sa malamang, makalimutan na ang masaker. Sa haba ng piyesta ng kampanya sa eleksyon, sa malamang, ang galit sa masaker ay maging maluwag na pagtanggap ng karaniwang karahasan sa Mindanao.

LITO BAUTISTA, Executive Editor

BANDERA, 120109

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending