Iba’t ibang problema pinasosolusyunan sa gobyerno-Pulse Asia
Bukod sa problema sa ipinagbabawal na gamot, maraming iba pang problema na nais ng mga Filipino na solusyunan ng gobyerno, ayon sa survey ng PulseAsia. Sa tanong sa mga respondent kung ano ang tatlong problema na nais na agad masolusyunan ng gobyerno, nangunguna ang pagkontrol sa inflation o presyo ng bilihin na nakakuha ng 50 porsyento. Pumangalawa naman ang pagtaas sa suweldo ng mga mangagagawa (42 porsyento), na sinundan ng paglaban sa kriminalidad (36), paglikha ng maraming trabaho (32), at paglaban sa katiwalian sa gobyerno (28). Sumunod naman ang pagbawas sa kahirapan (28), kapayapaan (21), pagtiyak na pantay ang pagpapatupad ng batas sa maimpluwensya at ordinaryong tao (16), pagtiyak na hindi sinisira ang kalikasan (14), pagbawas sa binabayarang buwis (9), pagkontrol sa paglaki ng populasyon (8), pagbibigay ng proteksyon sa OFW (6), paghahanda laban sa terorismo (5), pagtatanggol sa teritoryo ng bansa (4) at pagpapalit ng Konstitusyon (2). Sa mga problema sa kanilang barangay ang pangunahin na nais ng respondent na asikasuhin ng gobyerno ay ang pagpapagawa sa mga sirang kalsada (15.9 porsyento). Sumunod naman ang baha at baradong drainage (11.2), adik at pusher (10.2), basura (7.5), kawalan ng trabaho o pagkakakitaan (6.5), suplay ng tubig (5.1), paggagala at riot ng mga kabataan (3.7), tambay at pag-inom (2.3), kawalan ng maayos na health care service (1.9), nakawan (1.9), kawalan ng ilaw sa kalsada (1.7), masasakyan (1.7), pabahay (1.3), korupt at pabayang opisyal ng barangay (1.1), sugal (1.1), suplay ng kuryente (1.1), trapik (0.9), tulong sa magsasaka (0.7), gumagalang aso (0.6), mabagal na tulong sa mga nasalanta (0.6), hindi sapat na evacuation center (0.5), kulang na tulong sa pag-aaral/scholarship (0.5), hindi pagpapatupad ng curfew (0.5), dengue (0.4), public safety (0.3), extrajudicial killing (0.3), walang CCTV (0.2), at maingay na kapitbahay (0.1). Pinakamataas naman ang net approval rating na nakuha ng gobyerno sa pagtulong sa mga apektado ng kalamidad (75 porsyento). Sumunod naman ang pagbibigay ng proteksyon sa OFW (72), paglaban sa kriminalidad (71), pantay na pagpapatupad ng batas (60), paglaban sa korupsyon (60), pangangalaga sa kalikasan (60), pagpapanatili ng kapayapaan (60), pagtatanggol sa teritoryo ng bansa (58), paglikha ng trabaho (52), pagtaas ng sahod (46), pagbawas sa kahirapan (34), at pagtiyak na hindi tataas ang presyo ng bilihin (24). Ginawa ang survey mula Setyembre 24-30 at kinuha ang opinyon ng 1,200 respondents. Mayroon itong error of margin na plus/minus 3.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.