Ang girlfriend na ba ang akakatuluyan? (2) | Bandera

Ang girlfriend na ba ang akakatuluyan? (2)

Joseph Greenfield - October 20, 2017 - 12:15 AM

Sulat mula kay Archie ng Talipapa, Novaliches, Quezon City
Problema:
1. May girlfriend po ako sa ngayon na tawagin na lang nating Lyn, na isinilang noong February 2, 1992. June 7, 1991 naman ang birthday ko. Almost two years na po ang relasyon namin at ngayon ay balak na naming magpakasal dahil may konti na kaming ipon. Ang gusto naming malaman ay kung compatible po ba kami at kami na po ba ang magkakatuluyan. Maganda po bang magpakasal sa susunod na taong 2018?
2. At kung sakaling kami na ang nagkatuluyan, habambuhay na po bang magiging maligaya ang itatayo naming pamilya?
Umaasa,
Archie ng
Quezon City
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Gemini (Illustration 2.) ay sadya at saktong katugma ng zodiac sign na Aquarius ng girlfriend mo. Ang Aquarius at Gemini ay kapwa pinaghaharian ng elementong air o hangin. Ibig sabihin, habang patuloy kayong nagmamahalan at nagsasama, tuloy din ang isang maligaya at panghabambuhay na relayon.
Numeroloy:
Ang nakatutuwa, hindi lamang sa Astrology o zodiac sign kayo magkatugma ng girlfriend mo. Ang birth date na 2 ng girlfriend mo ay saktong compatible sa birth date mong 7. Ibig sabihin, saktong-sakto talaga ang inyong samahan, pero hindi sa 2018 kayo dapat magpakasal, kundi sa taong 2019. Sa ganyang petsa o taon ng pagpapakasal, siguradong ang itatayo ninyong pamilya ay habambuhay na magiging maligaya.
Luscher Color Test:
Sa araw ng kasal at ganoon din sa loob at labas ng inyong bahay, gamitin ninyong motif o opisyal na kulay ng inyong kasal at ng iyong samahan ang berde at pula. Sa nasabing kulay, tuloy ang masarap, maunlad at panghabambuhay na relasyon.
Huling payo at paalala:
Archie, ayon sa iyong mga datos, walang duda, kayo na nga ng kasalukuyan mong girlfriend na may zodiac sign na Aquarius ang magkakatuluyan at ang inyong itatayong pamilya ay siguradong magtatagumpay, higit lalo kung sa halip na sa 2018 ay sa taong 2019 ninyo gagawin ang inyong pagpapakasal sa partikular na buwan ng Mayo o kaya’y Setyembre, sa edad mong 28 pataas at 27 naman ang iyong nobya, upang tulad ng nasabi na, matitiyak ang isang maligaya, masaga at panghabambuhay ng pagpapamilya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending