LPA sasanib sa bagyong Paolo | Bandera

LPA sasanib sa bagyong Paolo

Leifbilly Begas - October 18, 2017 - 07:24 PM

Pagasa

Posibleng sumanib ang low pressure area sa bagyong Paolo.

    Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration binabantayan nila kung hihigupin ng bagyo ang LPA na halos hindi gumagalaw sa Palawan area.     Sa inilabas na advisory ng PAGASA, ang bagyo ay nasa layong 910 kilometro sa silangan ng Legaspi City, Albay. May hangin ito na umaabot sa 120 kilometro bawat oras ang bilis at pabugsong hanggang 145 kilometro bawat oras.       Umuusad ang bagyo ng 16 kilometro bawat oras pahilaga-hilagang kanluran.       Ang bagyo ay magdadala ng pag-ulan sa Bicol region, Eastern Visayas at Caraga region.       Sa Linggo pa inaasahang lalabas ng Philippine Area of Responsibility ang bagyo.       Ang LPA naman ay nasa layong 335 kilometro sa kanluran ng Puerto Princesa City.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending