Ang Driver na BF na ba ang magkakatuluyan? (2) | Bandera

Ang Driver na BF na ba ang magkakatuluyan? (2)

Joseph Greenfield - October 16, 2017 - 12:15 AM

Sulat mula kay Geraldine ng Anabu, Imus, Cavite
Probema:
1. May boyfriend po ako sa ngayon mahal na mahal ko siya ang problema hindi po sa kanya boto ang mga magulang ko dahil tapos po ako ng kolehiyo at may magandang trabaho sa ngayon, samantalang ang boyfriend ko ay isang driver lang ng pampasaherong dyip, kaya nilalait po siya ng mga magulang ko at kamag anak.
2. Ang tanong ko po compatible ba kami at kami na kaya ang magkakatuluyan kahit tutol ang mga magulang ko sa kanya? May pag-asa kaya na magkaroon siya ng matino o magandang trabaho, para payagan na ang relasyon namin ng mga magulang ko? August 20, 1992 ang birthday ko at December 7, 1990 naman ang birthday ng boyfriend ko.
Umaasa,
Geraldine ng Cavite
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Leo (Illustration 2.) at Sagittarius naman ang boyfriend mo ay nagsasabing compatible kayo dahil ang Leo at Sagittarius ay may iisang elementong tinataglay – ang elementong fire o apoy!

Numerology:
Sa pag-aanalisang Numerology ay halos ganon din, kung saan ang birth date mong 20 ay saktong tugma sa birth date na 7 ng boyfriend mo, dahil pangkaraniwan o kadalasan ng nagkakatuluyan silang isinilang sa petsang 20 at silang isinilang sa petsang 7. Kung saan, bukod sa sila ang nagkakatuluyan, nagkakaroon din sila ng isang masaya at pang habang buhay na pa-milya.
Luscher Color Test:
Upang magtuloy-tuloy na dumating sa inyong relasyon ang magagandang kapalaran lagi kayong gumamit ng kulay na berde at dilaw at paminsan-minsa ay pula. Sa nasabing kulay, darating sa inyo ang suwerte at mga pagpapalang may kaugnayan sa materyal na bagay.
Huling payo at paalala:
Geraldine ayon sa iyong kapalaran kahit na driver lang ang boyfriend mo, samantalang talaga naman kayong nagmamahalan, walang magagawa ang mga magulang mo sa inyong pag-iibigan, dahil unang-una na, malalaki na kayo at may kakayahan na kayong makapagdesisyong mag-isa. Ang mahalaga, magsikap kayo sa buhay at magpakayaman sa pamamagitan ng mga produktong may ginagamitan ng apoy, Sa nasabing negosyo kayo ay uunlad at sa takdang panahong inilaan ng kapalaran kayo ay yayaman, na nakatakdang mangyari at maganap, sa taong 2035 sa edad mong 43 pataas. Sa panahong tinuran, hindi na lalait-laitin ng mga magulang mo ang iyong asawa mong driver lang, dahil sa panahong iyon mayamang-mayaman na kayo.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending