Arraignment ni de Lima ipinagpaliban sa Nov. 24 | Bandera

Arraignment ni de Lima ipinagpaliban sa Nov. 24

- October 13, 2017 - 05:45 PM

LEILA DE LIMA

IPINAGPALIBAN ng Muntinlupa Regional Trial Court (RTC) Branch 205 ang pagbasa ng sakdal kay Sen. Leila de Lima para iresolba muna ang mga nakabinbing mosyon sa korte.

Itinakda ni Judge Amelia Fabros-Cruz, ng Muntinlupa Regional Trial Court Branch 205 ang arraignment ni de Lima at kapwa akusado na si Jad Dera sa Nobyembre 24, limang buwan matapos unang itinakda ang pagbasa ng sakdal  noong Hunyo.

Sinabi ni Filibon Tacardon, abogado ni de Lima, na naghain sila ng dalawang mosyon for reconsideration — ang isa ay para sa kanilang naibasurang pangalawang motion to quash at ang hindi pinayagang aplikasyon para sa 

legislative furlough.

Nahaharap si de Lima sa kaso matapos namang akusahan ng administrasyon na protektor umano ng operasyon ng ilegal na droga sa New Bilibid Prison (NBP). 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending