DU30 binigyan ng 24 oras na ultimatum ang mga EU Ambassador para umalis ng PH | Bandera

DU30 binigyan ng 24 oras na ultimatum ang mga EU Ambassador para umalis ng PH

- October 12, 2017 - 05:59 PM

BINIGYAN ni Pangulong Duterte ng 24 oras na ultimatum ang mga Ambassador ng iba’t ibang bansa na kasapi ng European Union (EU) bilang resbak sa bantang aalisin ang Pilipinas bilang miyembro ng United Nations (UN).

“You leave my country in 24 hours. All of you,” sabi ni Duterte sa kanyang talumpati matapos pasinayaan ang briefing room sa New Executive Building (NEB) kahapon.

Kasabay nito, naghamon si Duterte na totohanin ang banta na alisin ang Pilipinas sa UN.

“Exclude us from the UN? P***** In* niyo gawin niyo,” dagdag ni Duterte.

Kampante naman si Duterte na susuportahan ang Pilipinas ng mga kaalyadong bansa.

“Do you think China and Russia will allow it?” ayon pa kay Duterte.

Nakatanggap naman ng mura ang mga miyembro ng EU.

“Estupido, g***, torpe,” ayon pa kay Duterte.

Ito’y bilang reaksyon sa banta ng pitong miyembro ng delegasyon ng EU na maaaring matanggal ang Pilipinas bilang miyembro ng United Nations Human Rights Council (UNHRC) .
Binatikos naman ni Duterte ang pakikialam ng EU.
” Do not f*** with us,” giit ni Duterte…I won’t allow anyone, not even the United States, to dictate on us,” ayon pa kay Duterte.
Idinagdag ni Duterte na inatasan na niya si Finance Secretry Carlos Dominguez na huwag nang tumanggap ng donasyon mula sa Great Britain.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending