Bato nag-sorry matapos tawaging ingrato ang mga kritiko | Bandera

Bato nag-sorry matapos tawaging ingrato ang mga kritiko

- October 09, 2017 - 04:49 PM

NAG-SORRY si Philippine National Police (PNP) Director General Ronald “Bato” dela Rosa matapos tawaging ingrata ang mga kritiko ng administrasyon.

Sa isang press conference, sinabi ni dela Rosa na bugso lamang ng kanyang damdamin ang naging pahayag dahil sa hindi na niya maitago ang nararamdaman.

“Pasensya na. It was a spur of the moment reaction nung tinanong ako kung ano ba ang masasabi ko sa critics…Spur of the moment reaction lang yun. Baket di ba sila nakinabang sa ginagawa natin?….Yung mga anak nila nag aaral ng matiwasay, di naiistorbo ng snatcher, mga pusher sa kalsada,” sabi ni dela Rosa.

Nauna nang tinawag na ingrata ni dela Rosa ang mga kritiko ng administrasyon.

“Nagpapakita lang ng feeling. If I feel frustrated, if I feel sad ipapakita ko; ‘di ako plastic. ‘Di ako pulitiko na nagpapa-cute kahit galit na, ‘di pinapakita. Normal akong tao, napipikon ako, ‘di ako plastic,” dagdag ni dela Rosahe
Umani naman ng kritisismo ang naging pahayag ni dela Rosa, maging sa mga mambabatas, na nagpaalala sa kanya na hindi naghihintay ng sukli ang paglilingkod sa bayan.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending