ABS-CBN isasalba ang career ni John Lloyd pero kailangan munang parusahan | Bandera

ABS-CBN isasalba ang career ni John Lloyd pero kailangan munang parusahan

Cristy Fermin - October 08, 2017 - 12:10 AM


PANSAMANTALANG mawawala sa gitna ng aksiyon si John Lloyd Cruz. Sa paliwanag ng mga nag-aalaga sa kanyang karera ay pupunta sa ibang bansa ang sikat at magaling na aktor para may asikasuhin du’n.

Dito pumapasok ang gasgas nang linyang damage control. Pagtatakip. Pagsasalba. Pagbibigay ng leksiyon. Lahat ng mga salitang ito ay pasok na pasok sa sitwasyong kinapapalooban ngayon ni JLC.

Kailangang gumawa ng paraan ang ABS-CBN para maisalba pa ang career ng kanilang posteng artista. Kung kaya pa namang mailigtas ang pinaghirapang career ng aktor ay bakit hindi sila papasok para linawin ang kanyang kinasadlakang kapalaran?

Maganda ang mga salitang ginamit sa pansamantalang pamamahinga ni John Lloyd Cruz, pero sa likod nu’n ay ramdam ang pagsuko na ng Star Magic sa mga kapalaluang ipinakikita ng kanilang artista, ito na lang ang tanging magagawa ng mga nagmamalasakit sa career ni JLC.

Sa isang panahong hindi na nakikinig ang tao, sa isang pagkakataong balewala na sa isang tao ang mga taong nagmamalasakit at nagmamahal sa kanya ay ito na lang talaga ang tanging magagawa ng ABS-CBN, ang pakawalan si John Lloyd Cruz.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending