Kalat na: John Lloyd magpapa-rehab sa ibang bansa kaya nag-leave sa ABS-CBN
JOHN Lloyd Cruz’s life and career were never the same again since nagkakilala at nagkarelasyon sila ng sexy starlet na si Ellen Adarna. Nagkawindang-windang talaga ang karera ng award-winning actor natin.
Si Ellen ang nakinabang nang husto sa relasyon nila ni JLC, she gained much popularity to the point na instead na kastiguhin siya ng ABS-CBN ay kinuha pa siya ng Star Cinema as leading lady ni Empoy in one of his projects. Tuloy pa rin daw si Ellen sa Home Sweetie Home kung saan dati silang magkasama ni Lloydie.
Kaya nasabi kong dati dahil as of press time ay hindi muna nagti-taping si John Lloyd dahil humiling ito ng bakasyon sa ABS-CBN.
May mga bulung-bulungang hindi naman talaga bakasyon ang pupuntahan ni Lloydie sa ibang bansa, may nagsasabing magpapa-rehab daw ito dahil masyado na raw lulong sa alak and “whatever” — alam n’yo na yun.
Nagulat ako sa kuwentong ito kaya we yet have to clear this up sa kampo ni John Lloyd. Matagal na kasing nababalitang nalulong sa alak si Lloydie pero sa ibang bagay ay di ko batid. Kaya bukas ang pahinang ito sa side ng kampo ni John Lloyd.
Kung totoo ang balitang magpapa-rehab siya, nakakaawa rin pala siya, ‘no? Kungsabagay, wala namang ibang mabi-blame rito kungdi ang sarili rin niya. Not even Ellen dahil John Lloyd is of age na to know what is right or wrong for him. Nag-overboard lang siguro dahil he thought na this is just an expression of his freedom na matagal nang na-deprive of him because of his work and image. Pero sayang talaga kung mauuwi lang hinagpis ang buhay ni JLC.
OA na kasi ang mga pinaggagawa niya sa social media — masyadong nagparamdam ng rebellion and extremities. Parang uncontrollable na siya. Nagiging disrespectful na rin sa simbahan through some posts kaya marami na ang na-alarm.
Is that some kind of depression? Delikado iyan, huh! That shows some kind of behaviors na kailangan ipasuri na sa psychiatrist. When we refer to psychiatrist, hindi naman ibig sabihing baliw agad, it’s just some check-up to balance his system. Maaaring epekto ng sobrang alak sa katawan.
Anyway, let’s wish him the best of luck. Tama na ang pagtatanggol kay Lloydie. Tulungan natin siyang gumaling should he need professional advice. He deserves another chance. Let’s not judge him too. Tao lang iyan like all of us na dumadaan sa iba’t ibang trials at pagkakamali.
q q q
Nagmukhang ewan si DFA Sec. Alan Peter Cayetano sa interview sa kanya ng Al Jazeera show dahil sunod-sunod na birada ang ginawa ng host sa kaniya. Kasi nga, obvious na hindi ito naniniwala sa pagtatanggol niya sa left and right na patayan sa bansa.
Ang nakakatawa pa, sinasabi pa ni Cayetano na lahat ng napatay ay may mga baril. The height of stupidity. Gusto pa yatang paniwalain ang international community na walang kasalanan ang mga pulis sa mga patayan sa bansa these past months. Na parang tama lahat ng ginawa nila.
Hindi pa kasi siya namamatayan of the same pattern kaya di pa siya natatauhan. Makasipsip lang sa pangulo ayos na sa kanya.
Napakadaldal nitong si Cayetano. Pareho sila ni Sen. Richard Gordon na mga walang wawa. Halatang mga sipsip kay Pangulong Rodrigo Duterte. Ano na ang mangyayari sa bayang ito kung ganoon na lang palagi?
Nakakapagod na rin. Kaya sabi ko sa sarili ko, pag yumaman ako one day, doon na ako titira sa Prague, Czech Republic para i-enjoy ko na lang ang natitirang buhay ko sa mundo. Ayoko na nang stress, ayokong makipag-away sa hangin. Sayang ang energy.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.