Produ naloka sa hinihinging TF ng palaos na hunk actor | Bandera

Produ naloka sa hinihinging TF ng palaos na hunk actor

Cristy Fermin - October 07, 2017 - 12:40 AM

NAKAKAALIW na nakakainis ang kuwento ng aming mga impormante tungkol sa isang hunk actor na mukhang pinagtampuhan na ng panahon. Wala nang masyadong kislap ang kanyang bituin, malagihay na, konting panahon pa at baka makalimutan na siya ng ating mga kababayan.

Kinontak kuno ng kaibigan nilang show promoter ang dating kilalang hunk actor, magkaibigan naman sila, kaya dumirekta na sa kanya ang nagdadala ng mga shows sa probinsiya.

Kuwento ng aming source, “Siyempre, kumustahan muna sila, hanggang sa sinabi na ng promoter sa kanya ang isang show sa isang malayong probinsiya kung saan siya planong kunin bilang performer ng kachikahan niya!

“Marami raw munang tinanong ang hunk actor. Balikan ba ang biyahe, eroplano ba ang sasakyan nila at hindi magbibiyahe nang sobrang tagal by land ang mga artista?

“May hotel accommodation ba sila, ang dami-dami niyang tanong na parang siya ang manager ng sarili niya. So, sinagot naman ng show promoter ang mga tanong ni hunk actor.

“Heto na, main event na ang usapan, magkano ang sisingilin niyang talent fee sa kaibigan niya? Naloka ang show promoter, dahil ang sabi ng hunk actor, ‘Sa iba, half million ang talent fee ko per show sa probinsiya. Pero sa iyo, four hundred thousand na lang. Net na ‘yun, ha?’

“Malapit nang mahulog sa kinauupuan niya ang promoter, parang bigla siyang nahilo, parang gusto niyang magtitili nang walang sound sa pagkaloka!

“Imagine, may consideration pa ang presyong ibinigay sa kanya, ha? Friends daw sila, kaya four hundred thousand na lang! Naloka ang promoter dahil ang iba ngang kinuha niyang performers, e, sikat, pero hindi ganu’n kataas sa hunk actor ang talent fee!

“Nakakaloka siya! Kung kailan naman halos wala na siyang project at hindi na siya visible, e, saka pa siya maniningil nang ganu’n kalaki?

“Naku, Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, tampalin n’yo nga nang sabay ang hunk actor na ‘yan para magising siya sa katotohanan na wala na siya sa gitna ng aksiyon ngayon?

“Nagdidiyeta kaya siya kaya ganyan na siyang mag-isip? Baka naman madalas siyang nalilipasan ng gutom, hindi kaya?” nakairap na pagtatapos ng aming source.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending