Derek kumikita ng milyones kahit walang trabaho sa TV5
HUWAG na ang mga loyal viewers ng iilang programang umeere na lang sa TV5, kami na mismo ang naghahanap ng sagot sa tanong na, “Kelan ba talaga ipalalabas ang teleserye ni Derek Ramsay na Amo?”
Tulad ng suwerte sa buhay ay elusive din ang sagot sa tanong naming ito. Eh, kung kami na ngang kunektado sa Radyo Singko (kapatid ng TV5), getting the answer is like looking for the proverbial needle in a haystack, ‘no?!
Sana lang, this feeling is not one of resignation on Derek’s part but rather of hope na may mga inaasikaso lang ang network at pasasaan ba’t eere rin ito?
Creative-wise, in the can na kasi ang Brillante Mendoza opus na ito na ipinromowt pa nila ni Derek separately on “Cristy Ferminute” last August for its supposed early September telecast.
For some reason, nausog ang airing date nito sa unang Sunday ng September and thereafter. When Amo finally found its sure pilot date (or so we thought) ay na-move uli ito. Sa ngayon, ang petsa kung kailan ito eere floats in the air.
Kung medyo nadi-disenchant si Derek ay naiintindihan namin ang kanyang pakiramdam. Tingnan na lang sana ang unflinching loyalty ng aktor who still slugs it out with the network while all the others na nakasabay niyang lumipat have either jumped ship or returned to their ports.
Ang alam namin, guaranteed contract ang kay Derek which means with or without TV assignments ay bayad siya. Kung ganu’n, all the more that TV5 has to utilize him for it to get its money’s worth.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.