Sa 2020 makaka-ahon na sa kahirapan | Bandera

Sa 2020 makaka-ahon na sa kahirapan

Joseph Greenfield - October 07, 2017 - 12:15 AM

Sulat mula kay Dindith ng San Agustin St., La Carlota City, Negros Occidental
Dear Sir Greenfield,
Gusto kong malaman ang aking magiging kapalaran kasi marami sanang dumarating na opportunities sa akin, ang kaso mahina ako sa decision making. Kadalasan tuloy mali ang nagiging pasya ko kaya nauuwi sa luha at pagsisisi hanggang ngayon mabigat pa rin ang mga dalahin ko sa buhay. Gusto ko sanang mag-abroad pero kulang pa ang perang naiipon ko para sa pang-gastos naming mag-ina. Failure din ako sa relationship, dahil single mom ako ngayon. Kahit nga ngayon may boyfriend ako pero alam kong mali na naman ito. Gusto ko na rin iwanan ang kasalukuyang buhay ko pero financially unstable ako. Makakatagpo kaya ako ng guy na tatangapin kung sino ako? Kailan kaya darating ang suwerte aking buhay, minsan naiisip ko nakakasawa na din yong ganito, lumaki ka sa hirap at parang mamamatay ka pa rin yatang mahirap? May pag-asa pa kaya akong yumaman at kung may roon kailan kaya ito magaganap? September 10, 1989 ang birthday ko.
Umaasa,
Dindith ng Negros Occidental
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Maganda naman at malawak ang iyong Life Line (Illustration 1-1 arrow 1.) sa iyong palad. Ibig sabihin kung talagang desisdo ka at magiging buo ang loob mo sa pag-aaplay sa abroad, sa taon ding ito ng 2017, pinakamatagal na sa first quarter ng 2018, may isang mabunga at mabiyayang pangingibang bansang itatala sa iyong kapalaran.
Cartomancy:
King of Clubs, Eight of Diamonds at Queen of Diamonds ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing sa tulong ng isang lalaking paparating pa lamang, tulad ng inaasahan, kung hindi sa taong ito ng 2017, sa taong 2018, makapag-aabroad ka at sa sandaling ikaw ay nakapag-aabroad, doon na nga magsisimula ng umasenso ang iyong kabuhayan hanggang sa makaahon sa kahirapan.
Itutuloy…

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending