Patent ang totoong problema ng MRT3 | Bandera

Patent ang totoong problema ng MRT3

Ira Panganiban - October 06, 2017 - 12:10 AM

SA dinami-dami ng naging kuwentuhan sa mga isyu ng MRT3, nalaman ko kailan lang na ang tunay na ugat ng problema sa rail line na ito ay ang patent na nakuha ng original na builder ng MRT3 sa lahat ng bahagi ng railway line.

Mula bagon, riles hanggang sa turnilyo na ginagamit sa pagbuo ng MRT3 ay naka-patent ng original contractor kaya’t hindi basta makakuha ng piyesa para rito.

Ibig sabihin, hindi magawang kopyahin ang mga parts, at lalong hindi na tayo makabili ng piyesa sa original builder dahil pinalayas natin sila ng walang seremonyas para maibigay ang linya sa mga kaibigan ng dating administrasyon.

Ang patent na ito sa lahat ng piyesa ng MRT3 ang dahilan kung bakit simula nang tanggalin ang Sumitomo bilang service provider ng MRT3 ay nagsimulang bumagsak ang kalidad nito.

Isama mo na ang kakulangan ng foresight ng mga managers ng MRT3 na hindi umorder ng tamang bilang ng piyesa bago sibakin ang Sumitomo, at makikita ninyo na mali ang naging palakad dito.

Inamin sa atin ni Transportation Assistant Secretary Lea Quiambao na maliban sa totoong patented ang lahat ng piyesa ng MRT3 ay totoong kulang ang pag-imbak ng spareparts ng MRT3 kung kaya’t nag-degrade ang kalidad at serbisyo nito.

Sa kuwento ng kaibigan natin na nakakalam ng isyung ito, hindi natin maaaring ipakopya ang mga piyesa ng original na MRT3 dahil sa patent. Ito ay dahil nadala na ang gumawa ng MRT3 ng sila ang nakakuha ng project sa China na magtatayo ng rail lines.

Ang nangyari pala roon, isang bahagi lang ng railway ang pinagawa ng China at matapos ay kinopya na lang nila ang nagawa at hindi na binalikan ang original builder.

Mula raw noon ay lagi na nilang kinukuhanan ng patent ang lahat ng ginagawa nila para masiguro ang kanilang negosyo.

Idagdag niyo pa ang bastos na pagsibak sa Sumitomo, at diyan ngayon ang sitwasyon ng MRT3 na hindi mayos-ayos dahil hindi talaga makakakuha ng original manufacturers parts o OEM na tutugma sa ibang bahagi ng rail system.

Ang tanging solusyon daw sa MRT3 ay balikan ang Sumitomo sa siyang may access sa original parts o gibain ang kasalukuyang sistema at palitan ng iba at bagong sistema.

 

***

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Auto Trivia: Madumi ba ang windshield ng kotse ninyo? Huwag gumamit ng regular na detergent, sabong panlaba o home glass cleaners sa inyong salamin dahil nakakasira ito.
Ang mga ito ay magaspang at nakakasira ng protection layers ng windshield ninyo na pumipigil sa pagpasok ng init sa sasakyan ninyo. Nakakasira din ito ng laminate ng salamin na humahawak dito at sinisigurong hindi sasabog sa mukha ninyo ang salamin kapag tinamaan ito ng bato at nabasag.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending