Kim, JC kakaiba ang hatid na kilig sa ‘ILAI’ | Bandera

Kim, JC kakaiba ang hatid na kilig sa ‘ILAI’

Reggee Bonoan |October 06,2017
facebook
share this

Kim, JC kakaiba ang hatid na kilig sa ‘ILAI’

Reggee Bonoan - October 06, 2017 - 12:15 AM

JC SANTOS AT KIM CHIU

“ARE you gay?” Ito ang tanong ng karakter ni Marina Benipayo sa anak niyang si Percy (JC Santos) sa episode ng Ikaw Lang Ang Iibigin last Wednesday. Wala pa kasing ipinakikilang girlfriend sa kanya ang binata.

May sakit ang ina ni Percy at gusto nitong magkaroon ng apo bagay na ikinabigla ng binata kaya nabanggit niyang mayroon siyang girlfriend.

Kaya niyaya niya si Bianca (Kim Chiu) sa isang pananghalian at doon sinabi ang proposal nito na kung puwede siyang maging girlfriend. Pero tinanggihan siya ng dalaga dahil ayaw niyang magsinungaling ng hindi niya alam ang dahilan.

Hanggang sa magkaroon ng problema ang kapatid ni Bianca na si Jayjay (Grae Fernandez), nakasira ito ng sasakyan at sinisingil ng P20,000. Hindi alam ng dalaga kung saan niya kukunin ang ganu’ng kalaking halaga. At dahil narinig ito ni Percy kinuntsaba niya ang isang empleyado para padalhan ng pera ang kapatid ni Bianca sa Maynila.

Nalaman ito ni Bianca kaya pinuntahan niya si Percy sa bahay nito at personal na nagpasalamat. Dito niya nalaman na pine-pressure ang binatang boss ng ina nito para makilala na ang kanyang girlfriend.

Laking gulat ni Percy nang dumalaw ang ina sa opisina, pero mas na-shock siya nang ipakilala ni Bianca ang sarili sa kanyang ina bilang girlfriend niya.

Curious kami kung bakit mukhang nerd at loner ang karakter ni JC sa ILAI. Sinadya bang mala-Fidel sa pelikulang “100 Tula Para Kay Stella” ang atake sa role niya para mahalin din ng manonood? Tulad kasi ni Fidel, parang nahihirapan ding magsalita si Percy kapag may kausap na ibang tao.

Tingin namin, kapag naging okay na sina Percy at Bianca ay baka hindi na payagang bumalik ng Maynila ang dalaga at kung pabalikin man ay posibleng sundan siya ng boss niya at dito na magkakaroon ng conflict kapag nalaman naman ni Gabriel (Gerald Anderson) na may iba nang dumadalaw sa ex-girlfriend niya.

Sa kabilang banda ay posible ring mahulog na nang tuluyan ang loob ni Gabriel sa boss niyang si Alexa (Arci Muñoz). Pansin ng ilang viewers, malakas din ang chemistry on screen nina JC at Kim tulad din ng “magic” ng Gerald-Arci tandem.

Samantala, exciting ang mga susunod na episode sa ILAI dahil malapit nang mabuko ni Roman (Michael de Mesa) si Carlos (Jake Cuenca) na hindi niya tunay na anak dahil na rin sa pahayag ng tiyahin ng tunay na anak nito.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Cliffhanger ang eksenang binaril si Rigor (Daniel Fernando) ng isang babae na hindi ipinakita kung sino. Napapanood ang Ikaw Lang Ang Iibigin bago mag-Showtime.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending