BALIK biyahe na si Pangulong Duterte kung saan tutulak siya papuntang Brunei para dumalo sa Golden Jubilee Celebration sa pagkakaupo sa trono ni Sultan Haji Hassanal Bolkiah.
Ganap na alas-6 ng gabi ang nakatakdang paglipad ng eroplano ni Duterte, samantalang nakatakda namang siyang dumating ganap na alas-8 ng gabi.
Huling bumiyahe si Duterte sa Brunei noong isang taon matapos ang kanyang pagkakahalal sa puwesto.
Matatandaang itigil ni Duterte ang mga biyahe sa ibang bansa matapos pumutok ang paglusob ng teroristang grupong Maute sa Marawi noong Mayo 23, 2017.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.