2-0 semifinals lead target ng Meralco Bolts | Bandera

2-0 semifinals lead target ng Meralco Bolts

Angelito Oredo - October 03, 2017 - 12:03 AM

Laro Ngayon
(Sta. Rosa City, Laguna)
7 p.m. Meralco vs Star
(Game 2, best-of-5 semifinals)

IKALAWANG sunod na panalo ang pilit ibubulsa ngayong gabi ng Meralco Bolts sa muling pagsagupa sa Star Hotshots sa Game Two ng kanilang 2017 PBA Governors’ Cup best-of-five semifinals series sa Sta. Rosa Multi-Purpose Sports Complex sa Sta. Rosa City, Laguna.

Ganap na alas-7 ng gabi sasagupain ng Bolts ang Hotshots kung saan asam nitong masundan ang 72-66 panalo matapos na umahon sa 17-puntos na paghahabol bago nagawang itakas ang importanteng panalo sa serye.

Pilit din na kakalimutan ng Meralco ang naganap na sigawan at muntik nang pagsasalpukan sa pagitan ng manlalaro nito na si Kelly Nabong at assistant coach na si Jimmy Alapag sa kalagitnaan ng paghahabol ng Bolts sa laro na ginanap sa Alonte Sports Complex sa Biñan, Laguna.

“I don’t really know the whole story, but I’ll sort it out and I’ll take care of it, believe me,” sabi ni Meralco coach Norman Black.

Nakita naman na nagpapalitan ng maiinit na salita sina Alapag at backup center na si Nabong sa bench habang naghahabol ang koponan at kinailangan pa awatin ng ibang miyembro ng koponan palayo sa isa’t-isa.

Hindi naman nakaapekto sa koponan ang nangyari kung saan tuluyan nitong inagaw ang
1-0 bentahe kontra Hotshots sa unahan sa tatlong panalong serye at lumapit sa inaasam nitong muling pagtuntong sa serye para sa titulo.

Sinabi naman ni Hotshots coach Chito Victolero na umaasa itong masusustina ng kanyang koponan ang kabuuan ng laro kung saan hindi nito naproteksiyunan ang malaking abante na nagtulak para sa kabiguan at mapag-iwanan sa krusyal na serye para sa silya sa kampeonato.

“We need mental toughness on Game Two,” sabi lamang ni Victolero bago umalis ang koponan patungo sa Sta. Rosa, Laguna kung saan nais nitong ipantay sa tig-isang panalo ang serye.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending