Ellen pinagbawalang dumalo sa Star Magic Ball | Bandera

Ellen pinagbawalang dumalo sa Star Magic Ball

Jobert Sucaldito - October 03, 2017 - 12:05 AM

ELLEN ADARNA

WALA raw masyadong ningning ang nakaraang Star Magic Ball last Saturday. Hindi kasing-ingay ng mga nakaraang taon. Pero this year yata ang pinakamaraming dumalo.

Yes, John Lloyd Cruz appeared minus his “maya” date. Ibon kasi ang maya, di ba? We refer to the ibon Ellen Adarna. Ha! Ha! Ha! Pero di raw dumaan sa red carpet si Lloydie at naka-shades in the dark of the night – tinamaan siguro ng hiya. Or baka sadyang hindi inimbita ng Star Magic si Ellen Adarna para di ma-spoil ang gabi. Puwede? Patay sila kina Mr. M and Ms. Mariole kung makita silang magkasamang magka-date that night. Baka hindi nila kausapin si Lloydie.

Parang di na rin gaanong napag-uusapan sina Liza Soberano and Enrique Gil. What’s happening to their loveteam? Parang nanamlay bigla. Akala namin ay tuloy-tuloy na nilang mauungusan ang KathNiel and JaDine. Parang hindi na umalagwa ang LizQuen. Very promising pa naman.

Marami ring The Who? sa attendees. Meron ding taga-GMA 7 na inivited at dumalo. Nandoon ang isa kong crush na si Mikael Daez na ka-date ang real-life sweetheart nitong si Miss World Megan Young. I saw the photos of Chokoleit sa Facebook with different men. Parang diwata ng South Sudan si Chokoleit sa kaniyang hair and make-up. Ha! Ha! Ha!

In short, dumaan ang Star Magic Ball na parang ganoon-ganoon lang. Nothing spectacular. Or baka iyon lang ang dating sa atin pero pag nasa loob ka ng ballroom ay big deal ang feeling. Puwede rin, di ba?

Kaya siguro walang masyadong funfare dahil walang alingasngas masyado. Walang nag-away. Walang nagbangayan. Walang nag-quickie somewhere and all. Kumbaga, medyo low profile ang drama nila this year.

q q q

Na-enjoy namin nina Dominic Rea, Kiel Alo, Boy de Leon, Kenneth and my new baby Briant Scott Lomboy ang album launch cum concert ni Charity Diva Ms. Token Lizares last Saturday sa RJ Bistro sa Dusit Hotel. Cool na cool and well-attended ang event.

Maraming members of the media ang inimbitahan ni Ate Mercy Lejarde who enjoyed the show. Kumanta rin sina Kiel Alo and Ms. Malu Barry sa album launch ni Token kung saan ang magandang song nitong “Till The World Is Gone” ang carrier single. Ang husay ni Angel Mistress as a performer. Kahit mga sosyal na bisita ni Token ay humagalpak sa katatawa sa kanyang antics.

Magandang bading kasi si Angel at magaling magsalita. Malaking bagay talaga sa isang performer ang mahusay sa spiels. Nahahawakan niyang mabuti ang audience.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sayang nga lang at tumakas kami agad dahil may dalawa pa kaming events na hinabol that night. Kakapagod sobra dahil almost 6 a.m. na kami nakauwi nina Boy de Leon. Kasi naman, pinaglihi yata kami kay Curacha na walang kapaguran sa kalalamiyerda. Hay!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending