Aguirre, Hontiveros nagharap sa Senado | Bandera

Aguirre, Hontiveros nagharap sa Senado

- October 02, 2017 - 03:38 PM
KINUMPRONTA nina Sen. Risa Hontiveros at Justice Secretary Vitaliano Aguirre II ang isa’t isa nang magharap sa pagdinig ng Senado. Sa pagdnig ng Senado kaugnay ng mga pagpatay sa bansa, sinabi ni Hontiveros na desperado na si Aguirre para mailihis ang totoong isyu, kaugnay ng pagtatangka ng huli na kasuhan siya. Idinagdag ni Hontiveros na nakuhaan ng litrato noong Setyembre 5 ang umano’y mga text message sa pagitan niya at isang “Cong. Jing,” na kalaunan ay pinangalanan niya bilang si dating Negros Oriental Representative Jacinto Paras. Tumanggi si Aguirre na talakayin ang umano’y nilalaman ng pag-uusap nila ni Paras, sa pagsasabing hindi naman ito tatanggapin sa korte dahil paglabag ito sa kanyang karapatan sa “privacy.” “Yan ay hindi nyo maaring gamitin … It is as if it is non-existent,” giit ni Aguirre. Hinamon pa ni Aguirre si Hontiveros na pangalanan ang umano’y photographer na kumuha ng mga litrato. Bukod sa paghahain ng kasong kriminal sa Pasay Prosecutor’s Office, naghain din si Aguirre ng  ethics complaint laban kay Hontiveros sa Senado.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending