MOVIE REVIEW: ‘Last Night’ nina Piolo at Toni napapanahong pagtalakay sa isyu ng suicide | Bandera

MOVIE REVIEW: ‘Last Night’ nina Piolo at Toni napapanahong pagtalakay sa isyu ng suicide

- October 01, 2017 - 08:42 PM

TONI GONZAGA AT PIOLO PASCUAL

PALABAS na ang reunion movie nina Piolo Pascual at Toni Gonzaga na “Last Night” kung saan rebelasyon ang tema ng pelikula na isinulat ng magaling na aktres na si Bela Padilla.
Bagamat comedy-drama ang pelikula, binigyan ng R-13 ang pelikula dahil sa pagiging sensitibo ng movie.
Nagtagumpay si Bela sa kanyang debut bilang script writer.
Bukod kasi sa napapanahong pagtalakay sa isyu ng suicide, iba ang atake ng pelikula.
Kapwa naging epektibo sina Piolo (Mark) at Toni (Carmina) sa kani-kanilang role.
Napapanahon ang tema ng pelikula sa harap naman ng tumataas na bilang ng mga kaso ng suicide.
Napakaganda ng aral ng pelikula kung saan binibigyaang diin dito ang kahalagahan ng buhay.
Akmang-akma rin ang mga role para kina Piolo at Toni.
Dahil sa tagumpay ni Bela bilang script writer, hindi rin kataka-taka na sa isa na siyang director sa susunod na kanyang pelikula.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending