Ang mga amuyong na nakapaligid kay Digong | Bandera

Ang mga amuyong na nakapaligid kay Digong

Ramon Tulfo - September 28, 2017 - 12:10 AM

ILANG malayong kamag-anak o kaibigan ni Pangulong Digong ay kung mag-asta akala mo sila mismo ang presidente o anak ng presidente.

Akala nila ay naililipat ang kapangyarihan ng Pangulo sa kanila.

Tingnan mo na lang ang isang mokong na relative by affinity—ibig sabihin, hindi kamag-anak sa dugo—ng pangulo.

Ang taong tinutukoy ko ay abogado, na sampay-bakod.

Si Atorni Alang Kaso noong hindi pa presidente si Digong ay marami ng kliyente.

Pinakakalat niya kasi na hawak niya sa leeg si Justice Secretary Vitaliano Aguirre.

Kung ano man daw ang kaso sa piskalya ng kanyang kliyente ay kaya niyang ipanalo dahil si Aguirre naman daw ang boss-chief ng lahat ng piskal sa bansa.

Sabi pa nga niya ay inapoint niya ang kanyang anak, na isa ring abogado, na “ambassador to the Department of Justice.”

Walandiyo, parang ang kanyang opisina ay isang sovereign nation at ang DOJ ay isa ring sovereign nation.

***

Hoy mga asungot ng Pangulo! Dapat ninyong malaman na simple ang taong ginagamit ninyo ang pangalan.

Simple siyang manamit. Simple ang kanyang pagkain gaya ng tinola at laswa.

Nakatira pa rin si Digong sa isang maliit na bahay na ang dining at living room ay 20 square meters lahat-lahat.

Natutulog pa rin siya sa loob ng moskitero.

Ang kanyang kumot ay noong bata pa siya. Ito ang kanyang security blanket. Hindi siya nakakatulog kapag hindi niya dala ang kanyang security blanket.

Kung si Digong, na pinakamataas na opisyal ng bansa, ay mapagkumbaba, bakit hindi ninyo magaya na amuyong lang naman kayo?

***

Si Martin Diño, na tinanggal bilang chairman ng Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) noong Lunes, ay nag-aalburuto diumano dahil di raw siya sinabihan muna bago ilabas sa mga balita ang pagkakatanggal sa kanya.

Si Diño ay inilipat sa Department of Interior and Local Government bilang undersecretary for barangay affairs.

Ang totoo niyan, sabi ng isang SBMA insider, ayaw tanggapin ni Diño ang mga tawag sa kanya na galing sa Malakanyang.

“Alam na kasi ni Diño ang tawag sa kanya na di niya tinanggap ay dahil sasabihin sa kanya na tsugi na siya bilang SBMA chairman,” sabi ng source.

Matagal ding ayaw umalis ng mokong sa puwesto kahit na ilang ulit na siyang pinalilipat sa DILG ni Executive Secretary Salvador Medialdea.

Sabi niya si Pangulong Digong lang daw ang makapagpaalis sa kanya dahil malaki ang utang na loob sa kanya ng Presidente.

Kaya’t noong Lunes ay si Pangulong Digong na mismo ang nagbigay ng utos na tanggalin siya sa puwesto.

Sa kanyang pagkakatanggal sa puwesto, nawalan na rin siya ng perks and privileges bilang chairman ng SBMA.

Nakatira siya sa isang marangyang bahay sa loob ng Subic Freeport Zone kasama ang kanyang girlfriend.

Ang kanyang dalawang consultants na parehong walang alam sa trabaho ay kanyang kinunan din ng bahay sa SBMA complex.

Nag-aaral ang anak niya sa kanyang girlfriend sa Brent International School.

Ang dating barangay chairman ng Quezon City na nakasakay noon ng tricycle, jeepney at paminsan-minsan ay taxi, ay ngayon ay may tatlong sasakyan: isang SUV at tatlong van.

Dating utos-utusan si Diño ni Dante Jimenez, president ng Volunteers Against Crime and Corruption o VACC.

Pero ngayon ay lumalakad si Dino na apat-apat ang bodyguards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pumasok sa kanyang ulo ang kapangyarihan.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending