Hunk actor may ‘personal bugaw’, 3 lalaki ang binabayaran sa isang tuhugan
AYAW mamatay-matay ang kuwento tungkol sa tunay na kasarian ng isang hunk actor. Kahit saan siya magpunta ay sumusunod na parang anino sa kanyang imahe ang lihim niyang katangian.
Panay-panay na ang kanyang pagdedenay, pati nga ang kanyang angkan ay madiin nang itinatanggi ang bintang, pero bakit kaya hanggang ngayon ay patuloy pa rin ang paglutang ng mga kuwento tungkol du’n?
Isang Boogie Wonderland ang mapilit sa kanyang paniniwala na becki ang hunk actor. Kasi nga, sa mga kakilala kuno nito kumukuha ng mga “makakalaro” ang hunk actor, dalawa hanggang tatlong kalaro raw ang gusto niya.
Kuwento naman ng isang source, “Saka bakit ganu’n? May isang probinsiya sa North na iisa lang ang kuwento? Kesyo high school pa lang daw siya hanggang sa nu’ng mag-artista na siya, e, madalas siyang magpunta sa isang farm du’n na pag-aari ng isang bestfriend kuno niya?
“Hindi lang daw overnight ang pamamalagi du’n ni hunk actor, tatlong gabi, dahil nagpi-fishing-fishing pa sila ng bagets niyang friend.
“Balitang-balita du’n ang tungkol sa kanila. Hanggang ngayong artista na siya, e, madalas pa rin pala siyang dumadayo sa lugar. Super-close talaga sila ng guy, mukhang tanggap na ng family ng lalaki ang pagiging super-close nila,” kuwento ng aming impormante.
Wala tuloy naniniwala kapag may artistang babaeng inili-link sa hunk actor. Front lang daw ‘yun, pangtakip lang sa kung ano talaga siya, pero pareho lang ang type nila ng ka-loveteam niya. Lalaki.
“Mahirap ang sitwas-yon niya, di ba? Napakahirap kayang magpigil? Nagpalaki na nga siya ng katawan niya, pero wala pa ring gustong paniwalaan ang mga tao?
“Naku, Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio, mga tsong at tsang, siguradong getlak n’yo na kung sino ang hunk actor na ito,” pagtatapos ng aming source.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.