Lyceum Pirates pasok sa NCAA Final Four | Bandera

Lyceum Pirates pasok sa NCAA Final Four

Angelito Oredo - September 21, 2017 - 09:45 PM


Mga Laro Ngayon
(Filoil Flying V Centre)
12 n.n. JRU vs San Beda
2 p.m. EAC vs Arellano
4 p.m. Mapua vs Letran

MAY natitira pang limang laro ang Lyceum of the Philippines University Pirates sa eliminasyon subalit agad na itong nakasiguro ng isang silya sa Final Four Huwebes matapos nitong biguin ang University of Perpetual Help Altas, 94-83, sa NCAA Season 93 men’s basketball tournament sa Filoil Flying V Centre, San Juan City.

Hindi lamang nasiguro ng Pirates ang isa sa unang dalawang silya na may insentibong dalawang beses tatalunin sa semifinals kundi naitala rin nito ang sariling kasaysayan na pagtala ng ika-13 sunod na pagwawagi sapul nang sumali sa liga noong 2011.

“Hindi namin inaasahan na ganito ang mangyayari sa amin at talagang nakakapanibago pero parte ito ng aming kampanya para makatuntong sa target namin,” sabi ni Lyceum head coach Michael “Topex” Robinson, na nasa kanyang ikatlong taon sa Pirates.

Hindi maikakaila ang matinding laro ng Pirates dahil itinala nito ang ikalawang pinakamahabang winning streak sa torneo na 13-0 record tungo sa pagsiguro sa silya sa Final Four.

Ang 13-0 ng Pirates ay mas mataas na rin ng walong panalo sa kanilang kabuuang itinala noong nakaraang taon.

Nagawang kumawala ng Pirates sa ikaapat na yugto mula sa dikit na 67-63 iskor tungo sa pinakamalaki nitong 83-70 abante sa huling 4:21 ng laro.

Nagpilit na humabol ang Perpetual mula kay Prinze Eze na pinasimulan ang 11-2 rally upang dumikit na lamang sa apat, 81-85, may 2:08 sa laro. Gayunman, hindi na nito nagawang agawin ang panalo upang mahulog sa kabuuang 4-8 panalo talong kartada.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending