John Lloyd mababawasan ang kayamanan: Pera na naging bato pa!
BIBIHIRA lang ang mga henyong nakakaisip ng pamagat ng pelikulang maharot at malikhain ang pagkakabuo ng mga salitang Tagalog.
Isa na rito ang “Kasal, Kasali, Kasalo” mula sa direksiyon ni Joey Reyes.
May mababaw pero true-to-life kaming pantapat dito, kung saan puwedeng magbida ang isang sikat na aktres. Angkop naman kasi sa mga kinapalooban niyang pangyayari ang bawat salita sa aming tsipanggang kontribusyon in film titling.
Wala na nga lang elaborasyon kung bakit fact na fact at swak na swak sa aming bida of choice ang susunod niyang movie project na pinamagatang…”Putak, Putik, Putok.”
q q q
Kung hindi sana wholesome ang kanyang image ay madaling palampasin ang viral video ni John Lloyd Cruz na oo nga’t tao lang din na nagtatampisaw in merriment pero nakuha pang mag-flash ng dirty finger.
Pero bilib kami kay JLC sa maagap niyang pag-amin na masagwa ang kanyang ginawa, kasabay ng paghingi ng paumanhin lalo na sa mga kabataan. Pero nariyan na ‘yan, nangyari na ang sana’y naiwasang mangyari.
Bagama’t sang-ayon kami sa tinuran ni Mr. M (Johnny Manahan) heaping the blame on the pervasive social media, truth and fact is, social media is here to stay whether we like it or not. But it is not so kung ang pag-uusapan natin ay behavior unbecoming of a supposedly wholesome public figure.
Partly to blame ay ang mga kaibigang nakasama ni JLC all throughout his four-day Cebu break, still, whether knowingly or unknowingly ay ang aktor pa rin ang dapat ma-nagot sa kanyang ginawa.
Aware of the extent na maaaring idulot ng laganap na social media, JLC is man enough to own up to his frivolities. Kung masusundan man ito in the future, then JLC will have never learned his lesson.
q q q
Ang nakikitang worst case scenario bilang epekto ng viral video ni John Lloyd Cruz ay ang hindi na pag-renew sa kanyang mga commercial endorsements along with the threat of making him pay for the damages.
Malaking kabawasan ‘yon sa income ng aktor. Pera na, naging bato pa.
May slightly similar na kaso ang isang popular na aktres na kinuha ng isang malaking kompanya bilang endorser nito. Malawak ang negosyo ng kliyente ng aktres, but her foul-mouthed remark patungkol sa ineendorso niyang produkto prompted the company owners to replace her, hindi na ni-renew ang kontrata ng hitad which fetched millions.
Ang masaklap pa, ang kompanya palang ‘yon ay nabibilang sa group of companies, one of which ay masa naman ang captive market. Ang mga consumer products na nakikita natin ang mga patalastas ay dinadala roon.
Ang ending: lahat ng mga produktong ineendorso ng aktres ay bawal makapasok sa lahat ng sangay ng kompanyang ‘yon.
Sabi nga ng Public Service Lady na si Ms. Nina Taduran ng “Wanted Sa Radyo”…nation (pause) wide!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.