Aljur Abrenica magpapakitang-gilas sa MMK | Bandera

Aljur Abrenica magpapakitang-gilas sa MMK

Ervin Santiago - September 15, 2017 - 12:40 AM

ALJUR ABRENICA

Muling patutunayan ni Aljur Abrenica ang napakalaking improvement sa kanyang acting ngayong Sabado ng gabi sa kauna-unahang pagbibida niya sa Maalaala Mo Kaya hosted by Charo Santos.

Gagampanan ni Aljur ang karakter ni Anton, isang anak na naging sugarol at lasenggo dahil na rin sa mga problema ng kanyang pamilya. Makikipagtagisan siya ng galing sa pag-arte sa veteran actress na si Chanda Romero na siyang gaganap na nanay niya sa kuwento.

Isang guro si Pacita (Chanda) sa Ligaya Elementary School sa Quirino Province, ngunit biglang magbabago ang kanyang buhay nang gahasain at mabuntis ng bodyguard ng isang politiko. Pinakasalan siya nito ngunit naghiwalay din matapos ang pitong taon.

Mag-isa niyang itinaguyod ang anak na si Anton hanggang sa maging principal sa pinaglilingkurang paaralan. After 5 years, nag-retire si Pacing at ginamit ang nakuhang retirement fee sa pagpapatayo ng kanilang dream house. Ngunit muli silang susubukin ng tadhana nang masunog ang kanilang bahay at mauwi sa wala ang lahat ng kanyang pinaghirapan.

Hanggang saan niya kakayanin ang mga dagok ng buhay, lalo na kapag nalaman pa niyang naging adik sa sugal at alak ang kanyang anak?

At paano niya tatanggapin na mula sa pagiging principal ay naging tagalinis na lang siya ng paaralang pinaglingkuran niya sa loob ng maraming taon?

Ang MMK episode na ito ay sa direksyon ni Nuel Naval, sa panulat ni Akeem Jordan del Rosario. Kasama rin dito sina Izzy Canillo, Karel Marquez, Jennifer Mendoza, Maricel Morales, JM Ibañez, Cessa Moncera at Lilygem Yulores.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending