JoshLia may kakaibang magic at karisma kaya minahal ng masa | Bandera

JoshLia may kakaibang magic at karisma kaya minahal ng masa

- September 12, 2017 - 12:01 AM

MATAPOS ang success ng unang pagtatambal ng Star Magic teen stars na sina Joshua Garcia at Julia Barretto sa Metro Manila Film Festival “Vince & Kath & James,” muling napatunayan ang magic ng JoshLia sa Star Cinema movie na “Love You To The Stars And Back.”

Ipinakitang muli nina Joshua at Julia ang kilig sa unang pagtatambal nila under “Hugot Director” Antoinette Jadaone. Kumita ng mahigpit P60 million ang pelikula sa loob lang ng isang linggo. Kaya hindi imposibleng umabot pa ito sa P100 million.

Napatunayang hindi lang basta kilig ang mayroon ang JoshLia sa ikalawang pelikulang pinagtambalan nila, napansin ang lalim, chemistry, sinseridad at maturity nila bilang mga aktor.

Binigyang buhay ni Joshua ang karakter ni Caloy sa movie, isang binatang may kanser na naniniwalang walang imposible sa mundo habang ginampanan naman ni Julia ang out-of-this-world na karakter ni Mika. Effective ang tambalan nila dahil sa ipinamalas nilang galing sa bawat eksena.

Trending topic at na-ging usap-usapan ang “LYSB” online mula nang ito ay ipalabas sa bansa. Mula sa malalapit na kaibigan sa industriya mga direktor at iba pang artista tulad ng multi-awarded ri-sing actor na si Christian Bables, ay patuloy na ipinarating ang kakaibang emosyon at “feels” ng pelikula.

Pinuri ng Spoken word artist na si Juan Miguel Severo ang kakaibang ugali ng JoshLia na nagpatatag ng karakter ng dalawa sa pelikula. Kahit ang film critic na si Philbert Dy ay hindi naitangging nakita niya ang “magic” ng pelikula sa isang panayam sa kanya.

May mga bloggers din tulad ni Pelikula Mania ang nakapansin na dahil sa youthfulness at kilig na i-pinamalas ng dalawa ang nagdala at nagpatayo sa emosyon at buhay sa mga eksena ng pelikula.

Hindi rin nagpahuli ang mga netizens sa pagpuri kina Joshua at Julia. Ayon kay @magandabamovie, “It was a story about misery and yet it was told in a very char-ming way. ‘Yun palang kuha na agad ang attention ng audience.”

Bukod sa onscreen magic ng JoshLia, highlight rin ng pelikula ang malalim na istorya ni Direk Tonet, solid na pagganap sa karakter nina Mika at Caloy, at ang ganda ng cinematography. Kahit ang mga netizen ay naniniwalang ang “LYSB” ay best film ni Direk Tonet.

Napanood na rin namin ang pelikula nina Joshua at Julia at isa rin kami sa pinakilig ng dalawang bagets. Napakagaling talaga ni Joshua at hindi rin nagpatalo si Julia. Kaya hindi na kami magtataka kung magkaroon agad sila ng follow-up movie.

Showing pa rin ang “Love You To The Stars And Back” sa mga sinehan (now on its third week). Mayroon ding international screenings sa Canada at US ang pelikula pati na rin sa Australia at New Zealand (Sept. 14).

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending