Aicelle makikiisa sa Coastal Cleanup ng El Nido, Palawan
PARA sa ikagaganda ng kapaligiran, makikiisa ang Soul Songstress na si Aicelle Santos sa International Coastal Cleanup ng El Nido, Palawan sa Sept. 15. Layunin nitong ipamahagi ang responsibilidad na protektahan ang mga karagatan ng Pilipinas at paigtingin ang effective waste management ng isla.
Kasama ang El Nido Resorts at Lio Tourism Estate, tutulong si Aicelle sa paghihikayat sa mga residente ng Palawan at maging ang mga bisita nito na ipagpatuloy ang adbokasiya sa pamamagitan ng isang mini concert na gaganapin sa Lio Beach, 7 p.m..
“Everyone is coming together to save the environment, so maswerte akong maging parte ng ganitong klase ng advocacy. Every small responsible act, kapag pinagtulungan natin, can really make a difference,” ani Aicelle.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.