Daniel na-hurt nang labanan ni Ipe sa pagka-vice governor ng Bulacan
NASAKSIHAN namin kung gaano kalakas ang karisma ng aktor na si Daniel Fernando sa kanyang constituents sa Bulacan sa ginanap na graduation ng participants sa isang livelihood training program na proyekto ng Damayang Filipino Movement sa Malolos, Bulacan.
Si Daniel ang incumbent Vice-Governor sa Bulacan habang ang Governor naman ay si Wilhelmino Sy-Alvardao. Magkatuwang ang dalawa sa programang “Pangkabuhayan mo Sagot Ko, Paunlarin Mo” livelihood training program na sinimulan noon pang 2008.
Last term na ni Daniel bilang Vice-Governor ng Bulacan. Sa kanyang pagtakbo last election for his third term as Vice Governor ay nakalaban niya ang isa ring mahusay na aktor, si Phillip Salvador.
“Well, unang-una, siyempre nu’ng nalaman ko na siya ay kakandidato ginawan ko ng paraan para makausap ko siya. Pero hindi nag-posper. So, hinintay ko siyang lumapit at dumating sa opisina ko, kami ni Gov. Kasi may ino-offer talaga kami sa kanya, kung talagang gusto niyang maglingkod,” ani Daniel.
Pwede naman daw munang tumakbo si Kuya Ipe noon as Board Member. Katwiran ni Daniel, kung siya nga raw at nagsimula sa ibaba bilang Sangguniang Kabataan chairman sa kanilang bayan. Very much willing daw sila ni Gov. Alvarado na tulungan si Kuya Ipe sa kanyang kandidatura.
“Kaya lang nasaktan ako dahil kapwa ko artista, Kuya ko, member kami ng KAPPT (Kapisanan ng mga Artista sa Pelikulang Pilipino at Telebisyon), ‘di ba? Pero bakit kami naglaban? Dating tinuturuan niya ako in acting, ang tawag niya sa akin ay kapatid tapos biglang nagkaganu’n. So, siyempre hindi ko gustong nagkalaban kami nu’ng eleksyon. Ang politika kasi sa akin ay pwede namang ayusin,” paliwanag ni Daniel.
Ipinarating daw ni Daniel kay Kuya Ipe ang kanilang imbitasyon na mag-usap.
“Sa totoo lang, ako pa ba ang lalapit kay kuya Ipe, e, ako ang nakaupo at ako ang tagarito? Hindi ba? Dapat pinuntahan niya ako kung ano ang maitutulong ko sa kanya dahil ako ‘yung tagarito, e. Dapat lapitan niya ako, although karapatan naman ng kahit na sino’ng tao na pumaimbulog sa politika,” aniya pa.
Huli raw silang nagkita ni Kuya Ipe ay nu’ng nagkaroon ng debate sa mga running candidates during the campaign last election. Pagkatapos noon, ay hindi na sila nagkita pang muli.
Pero nagbigay ng mensahe si Daniel kay Kuya Ipe, “Willing ako na magkatulungan tayo. At kung gusto mong maglingkod talaga, magtulungan tayong dalawa. Kung gusto mo talagang makatulong sa ating mga kababayang Bulaceño at sa ating mga kababayang Pilipino, nakahanda ako rito para sa ‘yo. Tutulong ako sa ‘yo. Ipakita natin sa industriya na ang mga artista ay nagkakaisa.”
q q q
Proud na in-nanounce ni Mara Lopez sa radio program ni Tita Aster Amoyo sa DZRJ that she’s taping for four days na para sa Marawi Siege episode para sa Maalaala Mo Kaya na ipinalabas last Saturday sa ABS-CBN.
Excited niyang binanggit na star-studded ang episode. True enough dahil nakasama rin sa “Marawi Hero” episode ng MMK sina John Estrada, Zaijian Jaranilla, Lara Quigaman, Lester Llansang, Jai Agpangan, Jomari Angeles at marami pang iba.
The story was about a Christian named Loloy na pumunta sa Marawi City para magtrabaho at naging member ng Protestant Christian religion. Nanguna siya sa pagi-inspire at pagli-lift ng spirit ng mga kasamahan niya na na-trap sa gitna ng kaguluhan sa Marawi.
Maraming pumuri sa akting ni John sa nasabing MMK episode pati na rin kina Zaijian, Lara at Mara. Talagang mararamdaman mo ang hirap at takot ng mga kababayan nating nadadamay sa giyera sa Marawi.
Ang nasabing MMK episode ay isinulat ni Mae Rose Balanay at idinirek ni Dado Lumibao.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.